KILLER CHILD: MARY BELL

170 46 1
                                    

Si Mary Bell ay nagsimulang pumaslang sa edad na sampu.

Ang unang biktima ay isang 4 na taong gulang na bata at sinundan pa ng pagpaslang sa 3 taong gulang na bata na kung saan, inukitan niya ng letrang "M" ang tiyan ng biktima at tinanggal pa ang parte ng maselang bahagi nito.

Ano ang nag-udyok kay Mary upang pumaslang ng kapwa bata?

Si Mary Bell ay ipinanganak noong May 1957 sa bansang England, ang lugar kung saan siya ay nakatira at pinaninirahan ng mga dukha na may pakalat-kalat na mga bata na hindi masyadong nababantayan.

Ayon sa kaniyang mga guro, si Mary ay mahusay sa klase ngunit kapansin-pansin ang kawalan nito ng emosyon.

May kaibigan siya na nagngangalang Norma Bell, ka-apelyido niya ito pero hindi sila magkamag-anak.

Si Norma ay naging kasabwat ni Mary sa mga krimen na kaniyang nagawa.

'Di tiyak kung si Norma at napilitan lamang.

Noong 10 taong gulang si Mary, ay nagawa niya ang unang pagpatay.

Si Martain Brown na 4 na taong gulang ay natagpuang patay at may bakas ng dugo at laway sa kaniyang mukha.

Siya ay namatay sa pamamagitan ng pagsakal.

Ayon sa ina ni Martain, si Mary at Norma ay nagawa pang dumalaw sa burol upang hanapin si Martain.

Malungkot niyang ibinalita sa dalawang bata na ang kanilang kalaro ay pumanaw na.

Tila excited at nakangiting sumagot ang dalawa na alam nilang patay na si Martain.

Sa inis ng ina ay pinagsaraduhan niya ng pinto ang dalawang bata.

Sa eskwela ay nag-iwan ng sulat si Mary at Norma na nagsasabing sila ang pumatay kay Martain Brown.

Nakarating ang mga balita sa mga pulis subalit 'di nila ito pinansin at inisip na parte lamang ito ay kapilyuhan ng mga bata.

Si Mary ay isang ring bully at laging naire-report na nananakit ng mga kalaro.

Isa sa kaniyang mga naging biktima ay nakaligtas.

Ayon sa biktima, isang araw nakalaro niya si Mary at sinakal siya nito at pinuno ang kaniyang bibig ng lupa hanggang sa hindi na siya makahinga.

Mabuti na lang ay nagawa niyang makapiglas at makaligtas.

Muli ay ipinagsawalang-bahala ito ng mga kinauukulan.

Ngunit ano nga ba ang tumatakbo sa isip ni Mary? Bakit niya ito ginagawa?

Ang kaniyang ina ay kilalang prostitute sa kanilang lugar at hindi niya inaalagaan ng maayos si Mary.

Sa katunayan, pinagtatabuyan niya ang bata at kadalasan ay pinapaalagaan niya ito sa mga kakilala sa paligid.

Nagawa rin niyang tangkaing patayin ang kaniyang anak.

Kapag nagsasagawa ang kaniyang ina ng mga bayolente at malalaswang gawain na may kinalaman sa kaniyang trabaho, si Mary ay nandoon at nasasaksihan ito.

Kalaunan, ang kaawa-awang bata ay isinabak ng kaniyang ina sa pagiging prostitute.

Paglipas ng dalawang buwan ay ang kaarawan ni Mary bilang 11 taong gulang at sa tulong ni Norma, isinagawa nilang ang ikalawang pagpatay.

Si Bryan How ay isang tatlong taong gulang na bata at tulad ni Martain, si Bryan ay pinatay sa pamamagitan ng pagsakal.

Di pa nasiyahan si Mary sa nangyari dahil bago ito matagpuan ng mga pulis ay binalikan ni Mary ang bangkay ni Bryan.

Doon, inukitan niya ito ng letrang "M" sa tiyan sa pamamagitan ng gunting, ginupit din niya ang maselang bahagi ng katawan at ang buhok ng bata.

Habang pinaghahanap ng mga pulis ang suspek, ay kahina-hinala ang kilos nina Mary at Norma.

Sila ay humahalakhak ng tanungin tungkol sa pagpatay.

Nasilayan din nila si Mary na tumatawa habang inililibing sa lupa ang bangkay ni Bryan.

Kinalaunan ay sumuko si Norma sa mga kinauukulan at inamin ang kanilang ginawang krimen.

Si Norma ay napawalang-sala at si Mary ay nakulong lamang ng 12 taon dahil sa kaniyang murang edad at kondisyon sa kaniyang pag-iisip.

Siya ay nakalaya sa edad na 23 dahil siya ay menor de edad ng makulong, iniba ang kaniyang pangalan ng siya ay nakalaya.

Nagkaroon siya ng asawa at isang anak at 'di na muling gumawa ng masama.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon