10 HUMAN ANIMAL HYBRID EXPERIMENT

509 196 3
                                    

1. Sa bansang China, ang mga siyentipiko ay nagturok ng human genes sa DNA ng bakang ginagatasan . Mahigit 200 baka na may genes ng tao ang nabuhay. Ang layunin nila, magising o maging kasing lusog ng gatas ng ina ang gatas ng baka na inieksperimento. Dahil sa tagumpay, nais nila ngayong paramihin pa ang bakang ito at gustong pagkakitaan ang gatas ng baka na may bahid ng gatas ng tao. Ibebenta nila ang pinagsamang gatas ng tao at baka sa mga merkado sa buong mundo.

2. Sa Canada, sinubukan ng mga dalubhasa na saksakan ng genes ng daga ang ilang baboy. Nais nilang linisin ang magiging dumi ng baboy. Napatunayan sa isang eksperimento ang dumi ng baboy na kanilang sinusubukan ay baka na nga ang phosphorus. Kaya magiging environmental friendly ang dumi ng baboy para gamiting fertilizer gaya ng paggamit sa dumi ng manok sa mga taniman. Pinag-aaralan na ngayon ng mga taga Canada at United States ang mga tinatawag nilang 'enviropigs' ay dapat bang ibenta rin ang karne sa merkado sapagkat ito ay may halo-halong genes ng daga.

3. Sa Japan, gumawa sila ng mga daga na humuhuni tulad ng ibon, bunga rin ito ng pagsasalin ng genes ng ibon sa mga daga. Ngunit walang nakikitang panganib sa ganitong eksperimento.

4. Sa US, may isang pabrika na kayang gumawa ng higanteng salmon. Tatlong ulit ang laki nito sa karne o salmon na nabibili sa merkado ngunit inililihim ng America kung paano nila nagawa at kung saan galing ang genes na isinalin sa mya ineksperimentong salmon.

5. Sa North Korea, unang sinubukan naman ang eksperimento na ang pusa ay kumukinang sa dilim. Inulit ng isang scientist sa States na nagpakilalang si Mr. Green ang mga eksperimento ng Korean. Nabuo nila ang isang tinawag na 'florescent cat' sa States.

6. Sa Japan, tagumpay ang mga siyentipiko sa pagpapatubo ng mga laman loob ng gagamba sa loob ng katawan ng mga daga. Dahil dito kasunod nilang ineksperimento ay ang magpatubo ng laman loob ng tao sa katawan mg mga baboy.

7. Sa Missouri naman sa USA, ilang bahagi ng katawan ng daga at bahagi ng katawan ng tao ang pinagsasama at sinusubukang mabuhay ang inieksperimentong hayop. Ang layunin ay para may human organs na makukuha sa mga daga kung kakailanganin sa human transplant.

8. Samantala, sa Rockeffer University, nagturok sila ng human genes sa mga daga at tinawag nila ang eksperimento na 'humanized mice'. Layunin nila na pag-aralan kung papaano lumalaganap ang Hepatitis Virus.

9. Sa America pa rin, kaya na nilang magpatubo ng human organs kahit walang anumang hayop ang pagtataniman nito. Nagawa nilang lumikha sa laboratoryo ng human gladders, human skins, human bone, human corneas, human arteries at iba pa.

10. Sa Canada ay may ineksperimento na ang kambing ay ginagawang gagamba. Binansagan nila itong 'spider goat'. Ang layunin ay makalikha ng silk protein sa gatas ng kambing. Kapag meron ng silk sa gatas ng kambing, balak nila itong kolektahin parang gawing matibay na antenna, tulad ng tibay ng sapot ng gagamba kapag pinagsama-sama. Mas matatag daw ang telang ito, mas flexible kaysa sa nylon at mas matibay kaysa bakal.

Walang masama sa ganitong mga eksperimento kapag tiyak na ligtas lamang ang mga tao sa kinahihinatnan ng pagtatangka. Sa ngayon, dumarami na ang pagkain ng tao na hindi natural ang pinagmumulan kundi mga hybrid foods na dumaan sa eksperimento.

May masamang epekto sa kalusugan ng iba bunga ng kanilang gawa.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon