CARMEN WINSTEAD

196 64 0
                                    

Si Carmen ay isang labing pitong taong gulang na dalaga. Ang kaniyang pamilya ay nagdesisyon na lumipat sa State ng Indiana.

Sa kasamaang palad, ang tatay niya ay nawalan ng trabaho at lumipat sila sa ibang bayan na nagbabakasakaling makakahanap ito ng trabaho.

Ayaw lumipat ni Carmen noong una dahil marami na rin siyang naging kaibigan sa kaniyang eskwelahan pero wala siyang nagawa dahil walang choice ang kaniyang pamilya.

Nag enroll siya sa isang eskwelahan sa gitna ng school year at dahil kalagitnaan na ng taon, karamihan sa mga estudyante ay magkakaibigan na at magkakakilala.

Noong nakapasok na si Carmen sa bagong eskwelahan, sinubukan niya namang makibagay at makipagkaibigan.

Dito nakikala niya ang isang grupo ng mga babaeng magkakaibigan at naniwala si Carmen na kaibigan talaga niya ang mga ito.

Subalit ilang araw matapos nito, nalaman niya na hindi pala sila mga totoong kaibigan dahil ang limang babae ay pinagtatawanan siya kapag nakatalikod at pinagchi chismisan.

Ang mas malala, ang mga chismis sa kaniya ay ipinapakalat sa buong eskwelahan.

Noong nalaman ito ni Carmen, agad niyang kinompronta ang grupo subalit hindi siya pinansin ng mga ito at mas lalo pa siyang inasar.

Hindi niya alam na mas lalong lalala pa ang susunod na mangyayari.

Isang araw, naiwan ni Carmen ang kaniyang mga libro sa loob classroom. Pagbalik niya, nakita niya na binaboy ang kaniyang libro. Nandito ang mga malalaswang drawing at masasakit na salita pero pinabayaan niya lang ito.

May pagkakataon din na bigla na lang niyang naramdaman na ang bag niya ay may parang tumutulo, pagbukas niya, meron palang nagtapon ng yogurt sa loob nito.

Ang locker niya ay hindi rin nakaligtas, punong-puno ito ng mga sulat. Ang pinakamasaklap ay noong pagkahawak niya sa loob ng kaniyang bulsa ng jacket, nalaman niyang may dumi pala ito ng aso.

Matapos nito, si Carmen ay nagdesisyong manatili sa school para kausapin ang kaniyang teacher para mahinto na ang pambubully sa kaniya subalit huli na ang lahat.

Bago pa matapos ang araw, nag-announce ang kanilang teacher na magkakaroon ng fire drill at inaasahan na lahat ng estudyante ay makikipag cooperate at lalabas sa classroom at pupunta sa field.

Nang tumunog ang fire alarm, naging maayos naman ang lahat. Ang mga estudyante ay pumunta sa field ng maayos. Ang teacher ay nagroll call para masiguradong kumpleto ang kaniyang mga estudyante.

Habang nasa field, naisip ng grupo ng mga babae na nambubully sa kaniya na ito na ang pinakamagandang pagkakataon para pahiyain si Carmen sa harap ng buong school.

Kaya naman nilapitan nila si Carmen at pinalibutan. Sa di kalayuan sa field ng school, merong isang bukas na manhole. May harang ito pero tinanggal na ito ng mga babae.

Dahan-dahan nilang inusog si Carmen hanggang sa malapit na ito sa manhole. Maya-maya pa tinawag na ng teacher ang pangalan ni Carmen at nagsimulang magtawanan ang mga babae at sinabing si Carmen ay nasa imburnal.

Nataranta ang teacher at agad pumunta sa nasabing imburnal. Doon nakita nila si Carmen, nakadilat ang mata, bali ang leeg, duguan at wala ng buhay.

Nagsigawan ang mga estudyante sa kanilang nakita at agad na tumawag ng emergency ang kanilang guro para masaklolohan si Carmen.

Noong nalabas na siya sa manhole, dineklara na siya ay patay na.

Noong nagsagawa ng autopsy kay Carmen, ayon sa report, posible na ang ulo nito ay tumama sa hagdan ng siya ay bumagsak dahilan para matuklap ang kaniyang mukha kaya ito nagdurugo at dahil sa lakas ng impact, ang leeg niya ay nabali noong bumagsak siya sa ilalim ng manhole.

Ang mga pulis ay nagconduct ng imbestigasyon. Kaya lahat ng nakakita sa pangyayari kasama na ang limang babae ay lahat sila pare-parehas ng sinabi na diumano nakita nila si Carmen na aksidenteng nahulog sa butas.

Pinaniwalaan naman ito ng mga pulis dahil wala din namang solidong ebidensiya na may foul play. Case closed, ayan ang akala nila.

Ilang buwan ang nakalipas na tahimik. Walang kakaibang nangyari hanggang sa nakatanggap ang kaklase nin Carmen mg chain letter at may title ito na "They Pushed Her".

Ayon sa mga estudyante, ito raw ay ginawa para ma-expose ang talagang may kasalanan at umamin sa ginawa nila kay Carmen.

Ang isa sa nambully kay Carmen ay nakatanggap din nito subalit ipinagsawalang bahala niya lamang ito.

Pumunta siya sa shower para maligo. Maya-maya pa, nakatinig siya ng parang isang tawa. Hinanap niya ito kung saan nanggagaling at nalaman niya na galing ito sa sink ng kaniyang shower.

Dahil sa takot, agad nitong tinapos ang pagligo at nagmamadaling lumabas ng banyo.

Kinagabihan, nagpaalam siya sa magulang niya na siya ang matutulog na, ilang oras matapos nito, nagising siya sa isang tunog at pagdilat ng kaniyang mga mata, nakita niya ang manhole kung saan nila hinulog si Carmen at para bang may lumalabas dito.

Nanlaki ang kaniyang mga mata ng makita niyang ito ay si Carmen. Bali ang leeg at punong puno ng dugo dahil sa tuklap sa kaniyang mukha.

Nagsisisigaw ang babae pero walang lumalabs na boses sa kaniyang bibig. Hindi siya makakilos sa sobrang takot habang si Carmen ay papalapit ng papalapit sa kaniya.

Maya-maya pa, ang nanay ng babae ay nakarinig ng kalabog sa kwarto ng kaniyang anak pero dahil tumigil din ito, binalewala niya lang.

Matapos ang limang oras, ang nanay ay tumawag ng pulis dahil nakita niya ang anak na nasa imburnal kung saan namatay si Carmen. Kagaya ng pagkamatay ni Carmen ang leeg nito ay bali, tuklap ang mukha at punong-puno ng dugo.

Lahat ng nambully kay Carmen ay namatay din kung paano namatay si Carmen ay ganun din ang kanilang sinapit.

Akala ng iba ay tapos na pero hindi pa. Si Carmen ay nilamon na ng paghihiganti.

Lahat ng hindi naniniwala sa kaniya ay pinapatay niya kasama na rito si David Gregory, isang lalaking labing anim na taong gulang na lalaki matapos niyang matanggap ang chain letter ni Carmen. Hindi niya ito pinaniwalaan at binalewala niya lang.

Kinagabihan, natagpuan din siya sa parehong manhole.

Ayon sa kwento, ang multo ni Carmen ay hindi pa rin natatahimik hanggang sa ngayon.

Kapag nakarinig ka ng tawa na nanggagaling sa sink, si Carmen na ito.

Isa lang ang paraan para tigilan ka ni Carmen, yun ay ang maniwala sa istorya niya at ipasa ang chain letter sa ibang tao.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon