CHAIR OF DEATH

229 83 0
                                    

Hindi ordinaryo ang kwento ng upuang ito.

Noong 1702, pinatay ni Thomas Busby ang kaniyang biyenan.

Kilalang lasenggero si Thomas at nahatulan siyang mamatay sa pamamagitan ng pagbitay sa kaniya.

Binigti siya sa isang kalye na malapit sa isang taberna.

Sinasabi na ang isang upuan sa loob ng nabanggit na inuman ay madalas upuan ni Thomas at sinasabing ang kaniyang kaluluwa ay sumapi sa naturang silya.

Kaya sinuman ang maupo sa silya ay naaksidente at mamamatay.

Marami ang natakot sa silya ngunit nanatili ito sa nabanggit na establisyemento at kinasisindakan ng marami.

Noong 1978, naisipan ng may-ari na iregalo na ito sa isang museum.

Isinabit naman ito sa mataas na uri ng lugar para walang aksidenteng makaupo ay mapahamak pa sa nabanggit na upuan.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon