MR.WIDEMOUTH

789 241 18
                                    

Noong bata pa lamang ako, ang pamilya ko ay hindi nananatili sa isang lugar. Para kaming isang patak ng tubig sa isang nagraragasang ilog.

Noong 8 years old ako, nanatili kami sa Rhode Island hanggang sa mag college ako at tumira sa Colorado Springs.

Karamihan ng aking memorya ay nasa Rhode Island pero naaalala ko pa din ang mga bahay na nilipatan namin bago dito.

Meron akong isang alalala na mas malinaw pa sa isang salamin na para bang kahapon lang ito nangyari.

Minsan naiisip ko na ang naranasan ko ay lucid dream lang dahil nagkasakit ako noon pero alam ng puso ko na hindi ito lucid dream kundi ito ay totoo.

Nakatira kami sa isang bahay, medyo malayo ng konti sa syudad ng New Vineyard, Maine. Malaking bahay ito para sa aming tatlo. May mga kwarto na hindi ko man lang nakita noong nanatili kami doon ng limang buwan.

Kung titignan mo, malaki ito para sa amin at sayang ang mga kwarto subalit yun lang ang available noong oras na yon at kahit papaano malapit sa pinagtatrabahuhan ng aking tatay.

Pagkatapos ng 5th birthday ko, nagkasakit ako. Dinala nila ako sa doktor at napag-alaman na ito ay kissing disease. Ang ibig sabihin nito ay lagnat at walang laro ng tatlong linggo.

Ang pangit ng timing ng sakit ko dahil nagsisimula na kaming mag-empake para lumipat sa Pennysylvania. Karamihan ng mga gamit ko ay nakakahon na kaya naman ang kwarto ko ay halos wala ng laman.

Dinadalhan ako ni Mama ng salabat at libro sa aking kwarto. Ito ang nagsisilbing libangan ko sa mga nagdaan na linggo.

Ang pagkabagot ay nandyan lang sa sulok, naghihintay kung kelan sya papasok sa ulo ko.

Hindi ko na maalala kung kelan kami unang nagkita ni Mr. Widemouth. Kung hindi ako nagkakamali, isang linggo matapos akong madiagnose, ang unang naalala ko ay tinanong ko kung anong pangalan niya.

Sinabi niya na tawagin ko siyang Mr. Widemouth dahil ang kaniyang bibig ay malaki.

Sa totoo lang, lahat sa kaniya ay malaki kumpara sa katawan niya. Ang ulo niya, mata at tenga na nakabaluktot pero ang bibig niya ang pinakamalaki sa lahat.

"Para kang furby." sabi ko sakanya habang tinitignan ko ang aking libro. Huminto si Mr. Widemouth at nagtatakang tumingin sa akin.

"Furby? Ano iyon?"

"Yung laruan na may malaking tenga. Pwede mo silang alagaan at pakainin na parang isang pet talaga." sagot ko sa kaniya.

"Hindi mo yun kailangan. Hindi sila katulad ng totoong kaibigan." At pinagpatuloy niya ang kaniyang ginagawa.

Naalala ko pa noon na nawawala siya bigla kapag chinicheck ako ni Mama.

"Nagtatago ako sa ilalim ng kama. Ayokong makita ako ng mga magulang mo kasi pag nakita nila ako, natatakot ako na hindi ka na nila payagang makipaglaro sa akin."

Noong mga unang araw, wala naman kaming masyadong ginawa ni Mr. Widemouth. Tumitingin lang siya sa libro ko at namamangha sa mga storyang nakapaloob dito.

Noong pangatlo at pang-apat na araw, binati niya ko ng may mahabang ngiti sa kaniyang labi.

"Meron akong bagong laro na pwede nating laruin." masayang sambit niya. "Pero hintayin muna natin na dumating ang Mama mo para icheck ka kasi hindi niya pwedeng makita ang laro natin. Isa itong sikretong laro."

Matapos dalhin ni Mama ang libro at pagkain ko, lumabas si Mr. Widemoth galing sa ilalim ng aking kama at hinawakan ang aking kamay.

"Kailangan nating pumunta sa kwarto, doon sa may dulo ng hallway." sabi niya. Noong una, humindi ako kasi sabi ng mga magulang ko, wag akong aalis hanggat walang permiso nila pero napilit ako ni Mr. Widemouth.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon