CREEPY HISTORY OF PANAMA CANAL

199 46 0
                                    

A/N: Here you go. Sorry for the late update :)


Sampung taon na binalak ng America na gawin ang Panama Canal.

Isang proyekto na ang layunin ay itawid ang mga barko sa tuktok ng bundok para sa byahe ng mga kalakal.

Habang lumalaki kasi ang mga barkong bumibyahe, papalaki ng papalaki ang mga barko at hindi na magkasya sa maliit lang na kanal ng Panama.

Sa panahon natin, mahigit na 300 bilyong dolyar ang kalakal na binabyahe sa Panama Canal.

May kaugnayan sa negosyong ito ang United States at China pero ang kamangha-mangha sa Wonder World na ito, may katumbas pala na kasindak-sindak na kasaysayan.

Aabot sa 25,000 laborers ang namatay sa pinakamalaking kanal na ito sa mundo.

Ang karamihan ay hindi nakaya ang mahirap na trabaho sa bangin at ang iba ay namatay sanhi ng malaria.

Ang iba ay nagkaroon ng ibang klase ng sakit na nakuha sa masamang kundisyon ng trabaho nila.

Noong 1904, binalak ng America na gawin ang kanal sa Panama at nanawagan sila sa mga manggagawa mula sa iba't-ibang panig ng mundo.

Ang higit na kasindak-sindak, hindi alam ng marami bago pa man sinimulan ang Panama Canal Project, marami na ang namatay sa ipinagawang riles ng tren.

Noong 1850's nagpagawa na ng railroad ang Panama at kumuha ng African Laborers.

Layunin sa pagtayo ng railroad na doon isakay ang mga materyales na gagamitin para sa Panama Canal Project.

Marami ang namatay sa malaria at ang iba ay nagpatiwakal na lang sa hirap ng trabahong pinagagawa sa kanila.

Karamihan sa mga namatay noong 1850's ay Jamaican at ang nagpatuloy sa construction ng kanal ay ang French Constructure na si Charles.

Siya ay nagrecruite ng mga Jamaican, nag-alok ng mas mataas na sahod kumpara sa local salary sa Jamica kaya marami ang nahikayat.

Meron siyang advertisement sa mga Jamaican na kunwaring pag pumunta sila sa Panama at oras na sila ay bumalik sa kanilang bayan ay sila ay ubod na ng yaman kaya naengganyo ang karamihan sa Jamaicans na magtrabaho.

Ang masaklap, hindi naman tinupad ang pangako sa advertisement na malaki ang sahod.

Ang mga trabahador ay binibigyan lamang ng 10 sentimong dolyar kada oras sa pagpapakahirap sa trabaho sa mga talampas at sa mabibigat na trabaho sa construction work.

Sa 8 taong hinawakan ng French ang pagpapahukay sa bundok, 20,000 ang namatay sa workers at karamihan sa kanila ay West Indians.

Umaklas sila pero may iba na gustong sumubok at pumalit sa trabaho kaya nabibigo ang mga strike laborers.

Karamihan sa kanila ay taga Cuba at Columbia na narecruite na sumuko agad sa loob lang ng ilang buwan.

Nang manghinasok na ang Amrica sa proyekto noong 1906, pinalakas ng dating pangulong si Theodore Roosevelt ang loob ng mga trabahador, ang pambobola niya ay ganito, " You, who are doing you're work well in breaking to complete this great enterprise are standing exactly as soldiers of few great war of the worlds history. This is one of the great works of the world."

Ngayon, hindi na magkasundo ang America at China.

May isang Chinese billionaire ang nais kopyahin ang proyekto at gusto niyang gumawa ng kaniyang sariling kanal sa Nicaragua Canal.

Isa nanamang proyektong pag-uugatan ng gulo at pagbubuwis ng buhay sa ngalan ng salapi.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon