232 TOOTHS

600 228 10
                                    

Sumasakit ang panga ng isang binatilyo sa India na si Ashik Gavai dahil may tumutubong mga wisdom teeth dahil nga marami ito.

Nang dalhin siya sa dentista ay nagulantang ang doktora. Nakakuha kasi ng 232 na ngipin sa operasyong gumawa kay Ashik.

Masakit ang proseso na isinagawa ng doktor sa JJ Hospital sa Mumbai dahil kinailangan nilang gibain ang panga ng binatilyo dahil sa kakaibang kondisyon na kaniyang kinasapitan sa wisdom teeth.

Isang taon at kalahati na siyang nakakaramdam ng pamamaga ng panga dahil sa wisdom teeth na tumutubo at nang hindi nito makayanan at saka lang nagpatingin sa dentista.

Ang mga nabunot na ngipin ay hindi pare-pareho ang sukat, palatandaan daw ito ng medical condition na composite odontoma na abnormal ang ngipin. Isa raw itong tumor.

Ang kasindak-sindak, pitong oras na inoperahan si Ashik at hindi sa modernong paraan kundi sa makalumang pagbubunot ng ngipin.

Tatlo ang nagtulong-tulong para gibain ang kaniyang panga at hugutin ang mga ngipin.

Ginamitan siya ng martilyo at censil at tinungkab ang buto sa panga saka unti-unting binasag ang dikit dikit na ngipin na umabot ang bilang sa 232 lahat.

Ang kasukat ng mga ngipin ay parang holen na may parang butil ng mais at may parang monggo lamang.

Ang sabi ng dentista, may dati na siyang naoperahan na ganito ang lagay pero 37 ngipin lamang ang nabunot niya.

Kaya maituturing daw na kandidato para sa Guiness Book of Record ang dami ng ngipin ni Ashik na nabunot.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon