MERMAID

342 119 2
                                    

Ang unang Mermaid na nakita ay nakapinta sa isang kweba noong late Paleolithic Age o Stone Age pa.

Ang kauna unahang kwento na lumitaw ang Mermaid natagpuan sa Assyria noong 1000 BC.

Si Atergatis ay Greek Goddess ng Northern Assyria kung saan pinamumunuan nito ang karagatan.

Pinaniniwalaang siya ang tumitingin o gumagabay sa mga fertility ng kaniyang mga tao.

Ang mga Assyrians noon ay nagpatayo ng napakagandang templo na kaya nilang itayo at nilagyan nila ito ng mga sagradong isda bilang alay kay Atergatis.

Pinaniniwalaan noon na si Atergatis ay umibig sa isang mortal na magtutupa at nagkaroon sila ng anak.

Sa mga matatanda, ang mga Sirena ay mapanlinlang, nagbabalat-kayo ito bilang isang kaawa-awang babae.

Ang Sirena ay meron ring mga blow hole o yung parang sa mga balyena, ito ang ginagamit nila sa paghinga at makikita ito sa kanilang batok. Hindi rin nila kayang matulog ng tuluyan.

Pinaniniwalaan din na mayroon silang magagandang tirahan sa ilalim ng tubig kung saan nababalot ito ng pader na ginto at magagandang bato.

Ang mga ito ay may boses na nakakaakit na maririnig lang ng kanilang mga biktima.

May mga kwento din na tinatanong ng Sirena ang biktima kung anong paborito nitong kainin, ayon sa mga matatanda, dapat iwasang sabihin ang 'isda', dahil kapag ito ang sinabi ng biktima, ang Sirena ay magagalit at lulunurin ito dahil sa pagkain ng kapwa niya isda.

Kapag bata naman ang biktima, palalakihin nila ito at kapag matanda na ay pakakasakalan nila.

Dahil na din sa kapangyarihan ng Sirena, hindi nalulunod ang dinadala niyang biktima.

Pinapayagan din ng mga Sirena na bisitahin nito ang kaniyang mga kamag-anak pero kailangan nitong bumalik.

Kapag sinubukan nitong tumakas, lulunurin siya ng Sirena at itatapon sa kailaliman ng dagat.

May isang kwento naman kung saan may isang batang lalaki ang naglalaro ng bato malapit sa ilog ng makita niya ang isang napakagandang babae sa tubig.

Ngumiti ito sa kaniya at tinawag siya, sinabi na kukuwentuhan siya nito ng magagandang storya.

Naengganyo naman ang bata dahil na din sa ngiti at magandang boses nito kaya lumapit siya sa babae at ng oras na tumuntong ang kaniyang mga paa sa tubig, agad kinuha ng Sirena ang bata.

Dito, nakita ng bata ang katawan ng babae na punong-puno ng kaliskis at ang paa nito ay buntot ng isda. Nagpipiglas ang bata pero walang nangyari.

Dinala ng Sirena ang bata sa kanilang lugar, dito nakita niya ang mga isda na parang lumalangoy sa hangin dahil sa sobrang linis ng tubig.

Maya-maya pa, nakarating na sila sa isang bahay sa ilalim ng dagat.

Nang binuksan ng Sirena ang bahay, tumambad sa paningin ng bata ang napakagandang bulwagan. Ang mga pinto at bintana ay nababalot ng black corals habang ang mwebles naman ay puro ginto.

Pinakawalan ng Sirena ang bata at umupo sila. Dito nagsimulang magtanong ang Sirena.

Tinanong niya kung kumakain ba ng isda ang bata pero sumagot ito ng hindi, nagtaka ang Sirena kaya tinanong niya kung anong kinakain nito. Sumagot ang bata ng kanin, asin at prutas.

Natuwa ang Sirena ng marinig ito at pinaliwanag ng kung sakaling kumain siya ng isda ay magiging kaaway siya.

Nagsusumamo ang bata na umuwi na pero sinagot siya ng Sirena na ito na ang kaniyang bahay at hinawakan ang kamay nito at sinabing ipapasyal siya sa kaniyang bahay.

Ang unang dalawang kwarto ay may kamang punong-puno ng ginto. Sa kusina naman ay purong ginto rin.

Nang matapos sila, iniwan ng Sirena ang bata at sinabing bahay na niya iyon at kung ano ang nandun ay sakaniya na rin.

Lumabas ang Sirena sa pintuan sa likod ng bahay nito. Dahil wala ring maisip na paraan ang bata, sinubukan na lang niyang i-enjoy ang pananatili doon.

Subalit hindi maalis sa kaniyang isip ang mga magulang niya. Bumalik ang Sirena at pumasok ito sa front door, may dala dala itong pagkain.

Ang batang lalaki naman ay kunwaring gusto ang dala ng Sirena. Sinabi ng Sirena na kumain siya ng marami ng ito ay lumaki na agad.

Nagpatuloy ito ng ilang araw, nagtataka ang bata dahil kapag umaalis ang Sirena, sa likod ng bahay ito laging dumadaan.

Sinubukan niyang inspeksyunin kung meron bang sikretong lagusan, dito niya natagpuan ang isang nakatagong pintuan subalit bago pa siya makalayo, narinig niya ang Sirena na bumalik na.

Agad niyang sinarado ang pinto at dali-daling bumalik para salubungin ang Sirena. Binalaan pa siya nito na madilim sa likod ng bahay at huwag na huwag siyang pupunta rito.

Kinabukasan, noong umalis ang Sirena, dali-daling binuksan ng bata ang pinto at dito niya nakita ang isang paso sa gitna ng kwarto.

Tiningnan niya ito at nakita niya ang isang gintong mangkok na nakalutang sa loob nito.

Naalala niya na pinapahid ito ng Sirena bago ito umalis. Pinahid niya ang nasabing likido at agad na tumakas.

Sinundan niya ang buhangin hanggang sa marating niya ang pampang. Dito natagpuan niya ang kaniyang mga magulang.

Matapos nito, nakarinig na sila ng pag-iyak tuwing gabi at sinasabi ng mga tao doon na tinatawag ng Sirena ang kaniyang bilanggo.

Sa katunayan ang Sirena ay naimpluwensya lang sa atin.

Pinaniniwalaan na ang Sirena ay nagsimula sa Ilocos Region.

Noong Spanish Era kasi, maraming reports na maraming nalulunod na tao sa lugar sa isang ilog doon.

Ang mga ito ay masayang naliligo ng may bigla silang naramdaman na may humihila sa kanila pailalim at para bang nilulunod.

Yung iba nakaligtas at sinasabing may nakikipagbuno sakanila na isang pwersa sa ilalim ng tubig.

Dahil sa walang lohikal na eksplanasyon, sinabi ng mga Spaniards na ang mga nalunod ay kinuha ng isang nilalang at dito na nagsimulang kumalat ang Sirena sa Pilipinas.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon