RUSSIAN SLEEP EXPERIMENT

1.7K 292 50
                                    

Ang mga Russian researchers noong 1940 ay nagconduct ng experiment. Limang tao ang hindi kailangang matulog sa tulong ng isang experimental gas base stimulant.

Ang mga test subjects ay nasa isang selyadong lugar kung saan minomonitor ang kanilang oxygen intake dahil ang gas base stimulant ay nakakalason kapag sobra ang daming nasinghot nito.

Hindi pa uso noon ang CCTV kaya naman ang gamit lang nila ay isang mikropono at isang makapal na salamin na butas para mamonitor ang kanilang mga kilos.

Ang kanilang kwarto ay may mga libro, higaan pero walang sapin, gripo para sa tubig, kubeta at mga dry foods na kayang tumagal ng higit sa isang buwan para sa kanilang lima.

Ang mga test subjects ay mga political prisoners na idineklarang enemies of the state noong World War 2.

Maayos naman ang lahat. Normal ang limang araw. Ang mga test subjects noon, hindi masyadong nagrereklamo dahil pinangakuan sila na palalayain sila kapag sumunod sila sa mga test at hindi matulog ng 30 araw.

Ang kanilang mga pag-uusap ay mga traumatic events ng kanilang buhay. Makalipas ang limang araw, nagsimula na silang magreklamo sa kanilang sitwasyon at kung papaano raw sila napunta roon.

Nagpapakita na rin sila ng severe paranoia, huminto na rin silang makipag-usap sa bawat isa at nagsimulang bumulong sa mga mikropono.

Lahat sila, iniisip na makukuha nila ang loob ng mga researchers kapag isinumbong nila ang kanilang mga kasama-ang kapwa nila test subjects.

Noong una akala ng mga researchers dahil lang ito sa gas. Matapos ang ilang araw, ang isa sa kanila ay nagsimulang sumigaw, nagpaikot-ikot ito sa loob ng kwarto at sumigaw ng pagkalakas-lakas sa loob ng tatlong oras. Tatlong oras na walang tigil sa pagsigaw.

Sinubukan niya pa ring ituloy ang pagsigaw pero wala ng boses na lumalabas sa bibig nito.

Ayon sa mga researchers, dahil sa pagsigaw nito ng walang tigil, nasira ang vocal chords nito.

Ang nakakapagtaka rito, ang reaksyon ng kapwa test subjects, tuloy pa rin sila sa pagbubulong sa mikropono hanggang sa magsimula ang pagsigaw ng isa sa kanila.

Ang dalawang test subjects na hindi sumisigaw, kumuha ng libro at ipinunas ang kanilang dumi sa bawat pahina ng libro at idinikit sa salamin. Tumigil ang pagsigaw pati na rin ang pagbulong sa mikropono.

Tatlong araw pa ang nakalipas, ang mga researchers ay laging chinicheck ang mikropono para masigurado na gumagana ito. Inisip nila na baka sira ang mikropono dahil imposibleng walang tunog ang nanggagaling sa kwartong iyon na may limang tao.

Ang oxygen chamber ay maayos pa rin, indikasyon na buhay pa rin ang limang test subjects.

14th day, ang mga researchers ay naisip na gamitin ang intercom sa loob ng kwarto dahil nangangamba sila na baka patay na ang mga ito o hindi naman kaya mga gulay na ang katawan.

"We are opening the chamber to test the microphones; now step away from the door and lie flat on the floor or you will be shot. Compliance will earn one of your immeadite freedom."

Nagulat sila sa sagot ng isa sa mga ito. Isang malamlam na boses at sinabing, "We no longer want to be free."

Agad pinatawag ang lahat ng researchers at military personnels. Nagkaroon ng diskusyon at debate dahil hindi na rin sila nakakuha ng magandang response.

Naisip nila na buksan ang kwarto sa ika-labinlimang araw nito ng hating-gabi. Agad tinanggal ang stimulant gas sa kwarto at pinasok ang sariwang hangin.

Pagpasok na pagpasok ng sariwang hangin, nakarinig agad sila ng boses mula sa mga test subjects. Ang tatlo rito, agad nagmakaawa na ibalik ang gas.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon