ALIEN ABDUCTION

189 43 0
                                    

Ang mag-asawang Hill ay bumibiyahe noon sa New Hampshire galing Neagara isang gabi ng September 9, 1961.

Nakakita sila ng liwanang sa kalawakan at huminto sila para pagmasdan ito dahil may dala silang telescope.

Nang mawala ang liwanag ay sumakay muli ang mag-asawa at nagpatuloy sa biyahe pero natuklasan nilang hinahabol na pala sila ng liwanag na iyon hanggang sa isang UFO ang bumungad at sasalpok sa kanila.

Napapreno si Barney para muli siyang lumabas ng kotse dala ang telescope.

Doon nakita ng mag-asawa ang sinasabi nilang humanoids na nakatingin din sa kanila mula sa loob ng UFO.

Mula noon, hindi agad nakauwi ang mag-asawa at hindi rin nila nalaman agad kung ano ang sumunod na pangyayari.

Nang makauwi na, idinaan sila sa hypnosis para maalala ang mga nangyari.

Doon sinabi nila na sila ay dinukot ng extraterrestrials at ginawan daw ng medical procedures habang walang malay.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon