4 TYPES OF EXTRATERRESTRIAL THAT ALREADY VISITED ON OUR PLANET

321 144 0
                                    

Nagsalita na ang pinakamataas na tao na namuno sa Department of Defense sa Canada tungkol sa katotohanan ng UFO at aliens.

Sinabi ng naging National Defense Minister noong 1960's, sa namagitang Cold War sa America at Russia, siya raw ay may kagagawan sa pagsasanib ng Canadian Airforce navy at army.

Dahil sa kaniyang sensitibong posisyon, alam niya ang mga nangyayari sa loob ng mahabang panahon niya sa sandatahang lakas.

Sinabi nito na apat na uri na ng alien specie ang bumisita sa ating daigdig.

Ang pahayag niya ay sinusugan din ng mga matataas na pinuno ng militar at ilang pulitiko sa iba't-ibang panig ng mundo.

May mga opisyal din silang dokumento na inilabas na klasipikado ng maraming gobyerno tungkol sa katotohanan ng extraterrestrials at UFO.

Dapat daw aminin na rin ng Canadian Government, lalo na ang transport Canada na marami na silang ginawang imbestigasyon at paghabol nila sa mga UFO sightings na namataan.

Itinigil daw ang nga program tungkol sa mga bagay na ito pero hindi raw nangangahulugan na mali ang pahayag ng National Minister na ang lumitaw na hinabol nilang UFO ay karaniwang military spacecraft lamang katulad ng ipinapalabas sa ulat.

Sinabi pa niya na ang mismong ahensya na inutusang maghabol sa mga UFO ay hindi lamang nakakita ng UFO kundi may pagkakataong nagkaroon pa nga sila ng pakikipag-ugnayan sa extraterrestrial beings.

Ang pahayag niya ay ganito; noong 1961, merong halos limampung UFO na lumilipad mula sa hilaga ng Russia papunta sa Europa.

At ang supreme allied commander ng panahong iyon sa atin ay lubhang nabahala at muntik ng magpakawala ng mga armas para tirahin ang mga UFO at maging babala na rin sa iba pang allied forces.

Ngunit sa huli, nagpakahinahon siya at nagpasya na magkaroon ng imbestigasyon kung ano ang limampung lumipad na dumaan.

Sa loob ng tatlong taon na pananaliksik, napatunayan nila na may apat na iba't-ibang uri ng alien ang nakatungtong na sa planetang daigdig.

Mula raw ng maimbento ng mga tao ang atomic bomb, paulit-ulit na ang pagbabalik ng mga alien na ito sa Planet Earth.

Nababahala daw ang taga ibang planeta na magamit sa kalawakan ang mga bombang ito at pati sila ay maapektuhan.

Karamihan din daw naman sa mga alien na ito ay mababait at may malasakit pero meron ding itinuturing niya na hindi mabubuti.

Iba't-ibang daigdig ang kanilang pinanggalingan at ang isa ay galing sa Plegis, isang uri ng bituin.

Meron din siyang sinasabi na may nagmula sa Andromeda at ang isa ay sinabi niyang nagmula sa isa sa mga buwan na nakapaligid sa planetang Saturn.

Sinabi pa niya na may may pagkakaisa ang mga alien at may mga batas na sinusunod.

Hindi sila nakikialam sa mga planetang daigdig kung hindi naman sila papayagan nating mga tao.

Iginagalang nila tayo sapagkat ang tingin nila, tayo ang may-ari ng ating ating planeta at wala silang dapat pakialam ngunit nakikita nila na hindi naman tayo marunong mangalaga ng sarili nating kalikasan.

Marami daw tayong ginagawang mali sa kanilang pananaw at ito ay hindi nila naiibigan.

Nagbigay sila ng babala sa mga pagkakamaling ito at meron pa raw nagmumungkahi na tutulong para ituwid ang ating direksiyon.

Sinabi niya sa halip na tanggapin ang alok na tulong ng isang alien, may bansa na bumaril sa alien.

Ang tinutukoy niya ay ang ang bansang Amerika na ang ipinagsisigawan daw sa buong mundo, sila ay may demokrasya.

Ngunit ang sarili nilang bansa ay hindi naman makademokrasya dahil sa bilyones na dolyar na nilulustay nila upang lumikha ng maraming proyekto sa maiitim milang balak ngunit inililihim ang mga proyektong ito na balak sa ating sangkatauhan.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon