BELL SHAPE CRAFT

192 75 0
                                    

Hindi dapat pagtakpan ang misteryosong UFO na lumagpak sa New Mexico noong 1947.

Ito ang pahayag ng ilang eksperto mula sa Germany na may alam sa tunay na pangyayari.

Sumikat ang Roswell sa New Mexico dahilsa UFO o flying saucer na bumagsak sa disyerto roon na naging dahilan para maraming alien hunters ang magtungo sa lugar sa loob ng 66 taon na rin.

Humupa na rin ang panic ng mga tao dahil sinabi ng US militar na surveillance balloon lang ang bumagsak.

Hindi pa rin kumbinsido ang maraming UFO hunters at believers sa pagtuklas sa misteryong ito.

Kaya naglabas na ang isang aeronautical engineer sa UFO sightings noong July 8, 1947.

Ang resulta ng kanilang imbestigasyon, isang secret Nazi rocket na gumawa ng German ng nabanggit na UFO at hindi galing sa ibang planeta o daigdig sa kung san man sa kalawakan.

Sinasabi sa dokumentaryo na bell o kampana ang tawag sa secret rocket na ito ng Nazi.

Isa itong futuristic 3 meter aircraft na ginamitan ng kuryente para makalipad.

Noon pa man daw ay nalikha na ng Nazi ang katulad ng Stealth Fighter ng United States.

Isang dosenang rocket experts daw ang gumawa nito.

Ang sabi ng notorious na war criminal na mula sa Nazi na kumampi sa America matapos ng World War 2, may ganitong project talaga itong si Adolf Hitler.

Sabi rin ng isang historian, determinado rin noon si Adolf Hitler na magbayad kahit magkano sa lahat ng scientist at engineer na mabuo lang ang Bell Shape Craft na ito.

May mga sundalo noon mula sa Britain at US na nagsasabing may nakikita nga silang Bell Shape Machine noong World War 3 na nagsasabing lumilipad.

Isang consultant engineer na nagtatrabaho rin sa proyektong ito na si Joseph Andreas Ep ang nagsabing, labinlimang model unit ang ginawa nilang Bell Rocket.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon