5 STRANGE DISEASES

180 47 0
                                    

1. Laughing Death - Madalas na kasabihan na ang labis na pagtawa ay ang pinakamabisang lunas sa kahit na anong problema ngunit ang pagkakaroon ng sakit na ito ay pinatunayan lang na ang kasabihan ay hindi laging tama.

Sa buong kasaysayan ay may mga sawing palad na mga tao na literal na hindi huminto sa pagtawa hanggang sa sila ay malagutan ng hininga.

Kung hindi sila inaatake sa puso ay sila naman ay nauubusan ng hininga at namamatay ng masaya.

2. Water Allergy - Ang ating mundo ay nababalutan ng 70% na tubig at halos ganun din ang porsyentong mayroon sa ating katawan kaya naman para sa mga taong may gantong karamdaman na ang mismong tubig na siyang bumubuhay sa atin ay kanila ding kalaban.

Kapag nadikitan kasi sila ng tubig, sila ay namamantal o nagkakaroon ng pulang makating butlig sa kanilang katawan at ito ay walang direktang maiturong dahilan ang mga eksperto kaya hanggang ngayon ay wala itong lunas.

3. Moebius Syndrome - ito ay kinokonsiderang sakit sa pag-iisip.

Ito ay nakaaapekto sa kalamnan ng mukha ng taong may ganitong karamdaman.

Wala silang kakayahang ngumiti, sumimangot pati na ang mang-irap kaya naman ang kanilang itsura ay nananatiling iisa at tila ba wala silang ekspresyon at reaksyon na mababakas sa kanilang mukha.

Naniniwala ang mga doktor na isa sa mga sanhi nito ay ang mismong kapaligiran o 'di naman kaya ay namamana ngunit ang mag eksperto ay hindi pa rin sigurado dito.

4. Blue Skin Disease - Napakabihira ng sakit na ito ngunit gano'n pa man ay naitala ang ganitong kondisyon sa bansang America.

Ang mga taong may ganitong karamdaman ay may kulay asul na balat.

Ang ating katawan ay may molecule na natatagpuan sa ating red bloods na siya ring responsable sa pagdadala ng hangin o oxygen sa ating buong katawan ngunit kapag ito ay nasobrahan, ito ay hahantong sa pagkakaroon ng balat na kulay asul.

Ang isang buong pamilya ay naitalang may ganitong kondisyon sa Kentucky sa bansang America simula 1800's hanggang 1960's.

Walang lunas na maibigay ang mga siyentipiko at mga doktor sa pambihirang sakit na ito.

5. Porphyria o Vampire Disease - nangyayari ang sakit na ito kapag ang natural na balanse ng kemikal sa ating katawan na tinatawag na 'porphyn' ay nawala sa balanse at kapag ito ay naglalabas ng maraming bilang.

Ang ilan sa sintomas nito ay ang pangangati ng balat, pangingisay at pasusuka ngunit ang pinakamatindi sa mga nabanggit na sintomas ay ang pagiging sensitibo ng taong may ganitong karamdaman sa sinag ng araw.

Sa oras na sila ay masinagan ng araw, nakapagdudulot ito ng pagkasira o pagkasunog sa kanilang mga balat kaya tinatawag din ang sakit na ito bilang Vampire's Disease.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon