REAL LIFE SLEEPING BEAUTY

208 66 5
                                    

Isang babae sa Sweden na kung ituring ay ang tunay na 'Sleeping Beauty' dahil sa misteryosong pagtulog niya na hindi maipaliwanag.

Siya si Carolina Audisson. Labing-apat na taong gulang noong 1876.

Patungo siya sa cottage ng kanilang pamilya at siya'y nadulas sa niyebe. Nabagok ang kaniyang ulo, nakabangon pa naman siya at nakauwi ngunit pagdating sa kanilang bahay nakaramdam siya ng pagkahilo at bahagyang pagsakit ng ulo.

Makalipas ang ilang araw, nagrereklamo siya dahil tila pagod na pagod na, kaya ang sabi ng kaniyang ina kailangang matulog muna siya noong gabi ng February 22, 1876.

Nagsimulang matulog si Carol. Umabot ang himbing ng tulog hanggang April 3,1908. Tatlongput-dalawang taon siyang natulog.

32 years of sleeping.

Noong mga unang gabi pa lang hindi na siya nagigising, nagtatalo na ang ama't ina ni Carol kung dapat ba siyang dalhin sa doktor. Ayaw ng kaniyang ama sapagkat mahirap lang sila at walang pambayad. Mangingisda ang ama ni Carol kaya walang ipong pera.

Ang ginawa ng kaniyang ina, kahit tulog si Carol, sinusubuan niya ng gatas, ng asukal at binubuhusan ng unti-unti ang kaniyang bibig upang huwag magutom habang hinihintay na muli siyang magising.

Ngunit hindi rin nakatiis ang mga magulng dahil parang patay na sa himbing ng tulog sa mahabang panahon.

Tumawag sila ng doktor. Ang ginawa ng doktor ay tinusok ng karayom ang kaniyang mga daliri upang malaman kung siya ba ay magigising.

Hindi man lang kumislot si Carol kaya ang sabi ng doktor, siya ay nasa estado ng pinakamalalim na tulog. Ngunit isa raw itong medical opinion na hindi naman nakatulong sa kaniya at sa kaniyang mga magulang.

Kaya marami ang doktor ang nagkainteres na silipin ang kalagayan ni Carol noong panahong iyon. Iba't-iba rin ang naging opinyon ng mga doktor.

May magsasabi na dumaranas ang dalagita ng paralysis, may nagsasabi ring gising talaga siya pero pinepeke lang ang tulog. Ngunit bigo naman silang lahat upng gisingin ang dalagita.

Kaya minarapat ng kaniyang mga magulang na bitbitin na ang katawan ni Carol patungo sa hospital upang doon ay idaan siya sa electric shock. Hindi pa rin nagising si Carol kahit kinuryente at sinabi ng mga doktor na wala na siyang pag-asang magising pa.

Isang gabi, pagkagaling sa pangingisda, naabutan ng kaniyang ama si Carol na nakaluhod sa sopa pero tulog pa rin. Namangha ang kaniyang ama dahil narinig niya na tinatawag ni Carol ang pangalang Hesus habang nakaluhod.

Napalundag ang ama sa labis na tuwa sa pag-aakalang gising na ang kaniyang dalagita ngunit nadismaya siya ng napagtantong nakaluhod nga at nagdarasal ang anak pero tulog pa rin ito.

Pagkatapos magdasal ni Carol nagbalik ito sa kama para mahigang muli. Itinuloy nila ang pagpapainom ng gatas at pagpapakain ng asukal at pagpapainom ng tubig kay Carol habang ito ay tulog.

Noong 1908, namatay ang ina ni Carol at isang kapitbahay na biyuda ang nagpasiya na tumulong sa paglilinis sa bahay nila dahil wala na ang kaniyang ina.

At noong April 3, 1908. Tatlongput dalawang taon at anim na linggo ang nakalipas, nagising si Carol. Ang unang hinanap ng dalagita ay ang kaniyang ina. Damang-dama ng kabitbahay ang sakit ng tagpong iyon.

Makalipas ang mahigit tatlong dekada na nagising si Carol upang hanapin ang ina na patay na at hindi na niya makikita pa kailanman.

Ang masakit pa, ang dalawang kapatid niya ay namatay din. Sabay pa dahil nalunod sila habang naliligo at hindi na rin sila makikita kailanman ni Carol.

Nagtaka si Carol kung bakit napakatanda na ng itsura ng kaniyang ama at dalawa pa niyang nalalabing kapatid na lalaking buhay.

Malayo na ang agwat ng edad sa kaniya. Hindi rin maipaliwanag ng siyensiya kung bakit hindi tumanda ang itsura ni Carol habang natutulog kahit lumipas pa ang mahabang panahon.

Paggising niya katorse anyos pa rin ang kaniyang itsura. Kung tutuusin, 46 years old na dapat ang itsura niya ng magising.

Nang mabalitaan ang kaniyang kwento, binansagan siya ng mga taga-Peryodiko bilang 'The Real Sleeping Beauty' dahil maganda rin naman ang itsura at bagay sa kaniyang katawagan.

Kumalat ang ganitong pangyayari, marami ngayon ang turistang nagtutungo sa lugar nila upang masilip ang sinasabing tunay na Sleeping Beauty at sumikat si Carol ng panahong iyon.

Sa kaniyang muling paggising, wala siyang naging karamdaman kundi nanghihina lamang at binibigyan siya ng kahit anong gusto niyang pagkain. Nanumbalik ang sigla ng kaniyang katawan.

Muli siyang sinuri ng ilang doktor at nakitang hindi nagbago ang kaniyang intellegence. Naikwento niya ang kaniyang kabataan hanggang sa siya ay makatulog.

Naging maligaya pa rin sa buhay si Carol sa kabila ng lahat at nabuhay siya ng gising sa sumunod na apatnaput dalawang taon pa.

Noong 1950, sa edad na 89, namatay ang tinaguriang The Real Sleeping Beauty...

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon