HYDRA

159 46 0
                                    

Ang Hydra ay isang ahas pero mas nakakatakot at mas makamandag ito kumpara sa normal na ahas.

Ang Hydra ay nakatira sa isang kweba at lalabas lamang ito kapag nagugutom.

Kadalasan ito ay pumupunta sa mga bayan para maghasik ng takot at kumuha ng pagkain.

Ang Hydra ay may anim na ulo o higit pa at mayroon itong mahahabang leeg-ito ay para mapulupot nila sa kanilang kalaban ang mga leeg habang ang iba ay umaatake.

Meron din itong dalawa o higit pang buntot na siyang pinanghahampas nito sa kalaban.

Ang Hydra ay pinalaki at tinuruan ng dyosa na si Hera, ang alam lang ng Hydra ay atakihin lahat ng nakikita nito.

Hindi lang makamandag ang Hydra, nakakalason din ito.

Ang kaniyang dugo ay punong-puno nito pati na rin ang kaniyang hininga kaya bago pa makapasok sa kweba niya ang mga nagtatangka na pumaslang dito ay mamamatay na pagpasok pa lang dahil ang kweba ay kulog at ang hininga nito ay patuloy na umiikot sa loob ng kweba.

Imortal din ang Hydra at hindi basta-bastang namamatay katulad ng pagpugot sa ulo, mahika o anuman.

Oo, napatay na ang Hydra pero kinakailangan pang sunugin ang bawat ulo.

Ayon sa orihinal na kwento, ang Hydra ay meron lamang anim na ulo at hindi ito nagreregenerate, ito ay anak ng dalawang halimaw na si Typhon na isang imortal na higanteng ahas na may pakpak at si Echidna, isang kalahating ahas at kalahating tao.

Noong ipinanganak ito, inampon na ito ni Hera, ang asawa ni Zeus, pinalaki niya ang nilalang na ito sa intensyong patayin si Heracles, hinanapan niya ito ng lungga, prinotektahan at pinalaki na isang nakakatakot na halimaw.

Noong nagtagpo si Heracles at ang Hydra, naging mahirap ito kay Heraclis pero sa huli, nagapi niya ito sa tulong ng kaniyang pinsan na si Iolaus.

Noong pumasok si Heracles sa lungga ng Hydra sa may Carnian's Swamp, napansin niya na punong-puno ito ng nakakalasong hininga ng Hydra kaya pumasok siya rito ng mayroong makapal na tela sa ilong at bibig.

Doon, dahan-dahan siyang lumapit sa natutulog na halimaw at inatake niya ito ng umaapoy na pana.

Inatake siya pabalik ng Hydra hanggang sa makalabas na sila ng kweba.

Nakahanda naman si Heracles sa lakas ng Hydra at pinagpupugot ang ulo nito.

Napahiyaw ang halimaw sa sakit pero hindi ito nakamamatay para sa Hydra at sa katunayan, pinalakas lang nito ang halimaw dahil sa isang pugot ay katumbas ng dalawang ulong lalabas muli.

Matapos ang ilang minutong pakikipagbuno sa Hydra, napagtanto ni Geracles na hindi niya mapapaslang ang halimaw kaya tinawag niya ang kaniyang pinsan na si Iolaus at nagdala ito ng nagbabagang sulo.

Habang pinupugot ni Heracles ang mga ulo, si Iolaus naman ay sinusunog ang pugot na ulo para hindi ito tumubong muli.

Nang napugot na ang karamihan sa ulo at may natirang isa pa, pinugot niya ito gamit ang isang gintong espada na ibinigay sa kaniya ni Athena at nilibing ito sa isang malaking bato.

Kahit na napatay ni Heracles ang Hydra, maraming tao ang naniniwala na hindi niya matatalo ang halimaw kung hindi siya humingi ng tulong sa kaniyang pinsan.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon