BLACK KNIGHT SATELLITE

237 97 0
                                    

Ilang taon ng pinag-uusapan ng mga astronomer ang kahina-hinalang umiikot na malaking misteryong satellite sa ating daigdig.

Noong February 10, 1960, kinumpirma na ng Defense Department of United States na mayroong ganitong umo-orbit.

Noong February 10, 1960, isang hindi maipaliwanag na satellite ang walang ingay na nakitang umiikot sa polar orbit ng Earth at ito ay natrack daw ng US Tracking Station.

Binansagan nila itong 'The Dark Satellite.'

Ang tantsa ng Defense Department, 19 ft. long ito at tumitimbang ng 32,000 pounds pero kalaunan ay sinabi nila na kasinglaki ito ng tangke ng gas.

Noong February 24, 1960, sinabi nila na ito ay Dicover V.

Bahagi raw ito ng Discover V na nailunch at nakikitang umoorbit ay ang capsule na nabanggit na space vehicle.

Ngunit ang ibang dalubhasa ay hindi naniwala sa Defense Department dahil ang Discover V ay bumagsak sa Earth noong September 28, 1959.

Kung ikukumpara ang itsura ng Discover V sa mga picture na nakunan kapag umoorbit ang black satellite, malaki raw ang pagkakaiba.

Noong March 07, 1960, sinabi ng time magazine na ang umoorbit na ito ay isang surveillance satellite pero sa panayam ng time magazine sa Defense Department, sinabi pa rin nila na bahagi nga ito ng Discover V na pinalipad nila sa kalawakan at nagkawatak-watak.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon