TRAVIS WALTON UFO ABDUCTION

245 111 0
                                    

May mga hiwagang ngayon ay hindi kayang maipaliwanang na tulad ng naganap kay Travis Walton noong 1975.

Siya ang isa sa sumikat na tao dahil sa pagkidnap diumano sa kaniya ng isang spaceship at limang araw siyang kasama ng mga alien.

Patuloy na ginugunita ngayon ang misteryong ito ng mga kakilala ni Travis na paanong ito nangyari.

Noong 1975, ay naglaho si Travis Walton kasama ang ilang katrabaho.

Ang paglahong ito ay sinasabi niya na meron kasi silang naengkwentrong UFO sa North Eastern Arizona.

Novemeber 5, 1975, pito silang magkakasama papunta sa isang trabaho sa Apachr Sitgreaves National Forest.

Nasalubong nila ang isang makintab na hugis disc at ito ay lumipad sa ibabaw ng kanilang sasakyan.

Lumabas si Travis para alamin kung ano ang lumilipad, bigla siyang tinamaan ng isang ilaw na kulay asul.

Tumilapon siya noon at bumagsak sa lupa.

Nagtakbuhan ang mga kasama ni Travis sa sobrang takot.

Nang muli nilang balikan ang kanilang sasakyan, wala na si Travis at wala na rin ang misteryosong flying object na hugis bilog.

Makalipas ang limamg araw, lumitaw si Travis na halatang takot na takot at litung-lito.

Sinasabi niya na meron siyang nakitang extraterrestrial entities sa limang araw na siya ay nawala sa ating daigdig.

Kaya naging tanyag na kwento sa buong mundo ang kaniyang kaso sa talaan ng UFO abductions.

Ngayon ay may aktibidad sa bayan ng Arizona kung saan nangyari ang paglitaw ng UFO, ito ay bilang paggunita sa misteryosong pangyayari kay Travis Walton.

Talagang marami pa tayong dapat matuklasan sa dako paroon para lubos na maunawaan ang mga bagay na hindi masagot sa ngayon.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon