HIDDEN ALIENS IN AREA 51

444 162 2
                                    

Malapit ng malutas ang matagal na ring pinagtatalunang kakaibang nilalang na nakita sa bumagsak na UFO sa Area 51 noong 1947.

May isang malinaw na larawan kasi na nakitang isang researcher na ang ginamit ay Kodak na authentic.

Sabi ng UFO expert na si Tom Curry, may nakita siyang alien na kahawig ng insekto matapos na idaan sa autopsy ang aliens na tinatago sa lihim na facility sa America.

Ang larawan ay kuha ng isang babaeng nagtatrabaho noon sa Area 51.

Isang katotohanan daw ang nabulagang natuklasang ito ni Curry dahil pinasuri niya sa Kodak Historians ang larawan.

Inayos pa ni Curry ang dokumentong ito para hindi siya magkamali kapag nalabas na ito sa publiko.

Bahagi ng larawan ang pag autopsy ng US Authorities sa mga alien ngunit hindi pa rin inaamin ng America na may ganito nga.

Dating lihim ang Area 51 ang lugar na ito ngunit hindi na kayang itanggi ng US sa ngayon dahil sa pag-amin ni Martin, ang dating trabahador sa pasilidad na hindi lamang aliens ang inililihim ng America maging ang uri ng teknolohiya nila sa ilalim sa gitna ng disyerto.

Sabi ni Martin, merong reverse engineer technology sa Area 51 kaya nakalikha sila ng high tech na aircraft.

Marami na ang isinulat na libro si Curry tungkol sa aliens na ito, mula ng mag research siya taong 1991 pa.

May naghihinala kasi na nakahuli ng buhay na alien ang America noong 1947 nang bumagaak ang isang spacecraft na kung ituring ay UFO hanggang sa ngayon.

Nasumpungan ni Curry ang Kodak Film na nakatago at nakita ang alien na nasa isang kahon, may mga hiwa na ito sa katawan.

Ang nilalang na ito ay nasa tatlo hanggang apat na talampakan lamang.

Ang ulo ay gaya ng ulo ng insekto, parang basag na ang ulo nito at tanggal na ang lamang loob na parang naembalsamo na.

Pero may nagbabala na UFO investigator, wag daw basta maniwala sa mga ganitong pahayag.

Karamihan daw kasi sa nagsasabi may ebidensiya sila, hindi naman napapatunayan sa bandang huli pero kung kaya raw patunayan ni Curry ang kaniyang bagong tuklas, magiging malaking pagbabago ito sa mundo sa pananaw ng tao sa nilalang na kagaya nito.

Ang babaeng kumuha ng sinasabing larawan noong 1947 ay isang abogado noon sa Texas at nagtrabaho sa Area 51 bilang lisensyadong  piloto at siya ay naging Intelligent Officer noing World War Era.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon