SPOOKY AND CREEPY STORIES

317 120 0
                                    

1. Noong nakaraang taon, nakatira ako sa isang apartment at may ka roomate din. Hindi pa namin masyadong kilala ang isa't-isa at nagtatrabaho kami sa ibang oras kaya naman hindi din kami madalas magkita. Maganda ang tinitirhan namin, hindi siya ganon kalaki na halos kasya lang sa aming dalawa. Itinayo daw ito noong 1920's. Simula nung kumipat ako doon, may naririnig akong umiiyak, sumisinghap at parang sinasakal at ito ay nanggagaling sa banyo. Sa tuwing kumakatok ako at tinatanong kung ayos lang siya, walang sumasagot. Pinagpalagay ko na lang na baka may sakit o may problema ang karoomate ko at baka gusto niyang mapag-isa. Nangyari ito sa bawat buwan na nakalipas, hanggang sa isang araw, kapawa kami nakaupo sa sala ng karoomate ko nang bigla niya kong tinanong kung ayos lang ba ako. "Oo ayos lang ako." ang sagot ko. "Bakit mo natanong?" "Ano kasi, naririnig kasi kitang umiiyak sa banyo nitong umaga." ang sabi niya. "Uhhh...akala ko ikaw yon." sabi ko naman. Ngayon lang namin napagtanto na, sa nakalipas na buwan, wala ni isa samin ang umiiyak sa banyo at iniisip namin na isa sa amin yon. Hindi kami sigurado kung kanino talaga nanggaling ang boses na iyon.

2. Noong 6 years old ang asawa ko, nahulog daw siya sa isang balon. Hindi siya makaakyat dahil sa mataas ang balon at nung narealize niya na nastuck siya doon, nagsimula siyang umiyak, Maya maya, may narinig siyang noses ng babae sa may bukana ng balon. Ang sabi ng boses sa kaniya ay wag siyang mag alala at sinabi sa kaniyang marami daw mga bato doon na nakakabit sa paligid ng balon, kailangan niya lang tapakan ang mga iyon pataas para tuluyan na siyang makalabas. Ginawa noya kung ano ang sinabi ng boses at nakaalis siya ng ligtas sa balon. Nang makarating siya sa itaas, nilibot niya ang paningin niya wala naman daw ibang tao doon. Dahil sa kinilabutan siya, kumaripas siya ng takbo hanggang sa makarating siya sa bahay nila. Nang tinanong sa kaniya napg nanay niya kung bakit siya tumatakbo, dali-dali niyang kinwento ang nangyari sa kaniya sa balon. Sinabi sa kaniya ng nanay niya na may nahulog ding batang babae sa kaparehas na balon at ito ay nalunod hanggang sa namatay.

3. Isang gabi, nagmamaneho daw ang kaibigan ko sa kaniyang truck sa may bandang Maine Countryside. Ang lugar na iyon ay walang masyadong tao at bahay kung saan malayo sa kabihasnan. Ang makikita mo lang ay mga naglalakihang puno na nakahilera sa kahabaan ng kalsada. Sa kalagitnaan ng pagmamaneho niya, may nakita siya na kung ano sa gitna ng daanan. Itinigil niya ang sasakyan para tingnan kung ano iyon pero dali-dali din siyang napaatras. Kung ano man iyon, alam niyang gumagalaw ito. Dahan-dahan pa nga itong gumagalaw. Na curious siya at nagmaneho siya papalapit dito. Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan, palaisipan sa kaniya kung sino ang basta bastang mag-iiwan ng sanggol sa gitna ng daan at dilim. Nang kukuhanin na niya ito, napagtanto niya na hindi ito sanggol kundi isang manika na dahan dahang nahihila gamit ang isang lubid. Kumaripas sya ng takbo papasok sa kaniyang truck at mabilis na umalis sa lugar na iyon.

4. Ilang taon ang nakalipas, may isang matanda na namatay mismo sa kaniyang bahay. Sa nakalipas na arw, maraming tao ang gustong makita ang kaniyang multo na pagala-gala tuwing gabi sa loob  ng bahay. Isang gabi, isang couple ang pumunta sa bahay para maglibot at malaman kung ang usap usapan ay totoo. "Tingin mo magpapakita siya ngayon?" tanong ng babae. "Hindi ko alam. Tingnan na lang natin." sagit ng lalaki. "Wag kang matakot, kwento kwento lang naman iyon." Walang pasabing binuksan ng couple ang pintuan at pumasok sila sa loob. Pagkatapos noon ay bigla na lang nagsara ang pinto na may malakas na tunog na dumagundong sa loob ng bahay. "Natatakot na ko! Umalis na tayo dito!" palahaw ng babae. Unti unting lumingon sa kaniya ang lalaki at hinarap siya. Ngumiti ito sa kaniya ng nakakakilabot at sinabing, "Saan ka pupunta? Hindi mo pa nga nakikita si Mama."

5. Ang pinakanakakatakot na nangyari sa buhay ko ay noong 8 taong gulang ako. Sa lugar kung saan ako nakatira, merong madadaanang bakanteng lote at kasunod nun ay isang abandonadong bahay. Matatanaw ito mula sa bintana sa kwarto ko. Naglalaro kami ng kaibigan ko noong panahong iyon. Mahilig kaming magbasa ng libro galing kay Nancy Drew kaya nagkunwari kaming mga detectives. Meron kaming suot-suot na binoculars at gumawa rin kami ng kwento na kunwari may mga kriminal na nagtatago sa abandonabdong bahay at pupunta kami dun para hulihin sila. Masaya ang naging paglalaro namin bilang detectives at di namin namalayan, nasa hagdanan na pala kami ng abandonadong bahay. Pinakita ko sa kaibigan ko na hindi ako natatakot kaya hinawakan ko ang doorknob at akmang papasok na sa loob pero sa isang saglit, nakaramdam ako ng kilabot. Napatingin ako sa kaibigan ko at gaya ko ay natatakot din siya. Huminto kami sa paglalaro at kumaripas ng takbo papasok sa aming bahay. Dalawang araw ang nakalipas, maraming sasakyan ng pulis ang nakalarada sa harap ng abandonadong bahay. Napag-alaman ko na mayroong dalawang mama,atay tao na nakatakas sa kulungam at ginagamit nila ang bahay na iyon paradoon sila magtago. Hanggang ngayon, hindi ko alam ang posibleng mangyari kapag binuksan ko ang pinto at tuluyang pumasok sa loob.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon