ISLAND OF THE DOLLS

366 145 4
                                    

Ito ang pinakasisindak na tourist attraction sa Mexico.

Matatagpuan ito matapos tahakin ang pasikot-sikot na mga mumunting ilog sa Mexico at tinuturing na puno ito ng misteryo at kababalaghan.

Halos lahat ng puno sa lugar na ito ay sinasabitan ng mga manika para maging tagapagmasid daw sa mga bumibisita sa isla.

Ngunit ang itsura ng mga manika ay nakakadiri, putol-putol ang ilang bahagi at maruming-marumi sa kalumaan.

Nagsimula ang kinatatakutang lugar sa kwento ng isang Don Julian Santana, na piniling mag-isang tumira sa isla.

Noong nakatira na siya sa isla, sinasabi niya na palagi siyang pinagmumultuhan ng isang batang babae na nalunod sa isa sa mga pasikot-sikot na ilog sa lugar.

Doon siya nag-umpisang mamingwit, hindi isda ang kanyang binibingwit kung hindi ang mga manika na siyang isinasabit niya sa mga puno.

Ang paniniwala ni Don Julian, kaluluwa ng mga nalunod na bata ang mga manikang nabibingwit niya.

Ang pagliligtas niya raw sa mga nalunod na kaluluwa ang magliligtas din sa kanya sa pagmumulto ng kaluluwa ng isang nalunod na batang babae.

Hanggang sa dumating ang pagkakataong naniniwala si Don Julian na ang lahat ng manika ay may buhay.

Kaya ang ilang inaalay niyang produkto sa kanyang taniman sa isla, ipinagpapalit niya sa nakikita niyang manika sa anumang pamilihan.

Noong taong 2001, si Don Julian, at natagpuang isa ng bangkay sa mismong bahagi ng ilog kung saan sinasabing palaging may nagmumulto sa kanya.

Sa mga turista na dumarayo ngayon sa islang ito ay nagsasabing may kababalaghan nga silang nararamdaman.

Pagtungtong pa lamang daw nila sa isla, nakaririnig na sila ng bulong mula sa isang batang babae, alam nila na ito ang bulong ng kaluluwang kinatatakutan ni Don Julian kaya nag-aalay sila ng regalo sa mga mga manikang nakasabit sa mga puno para matahimik ang nagmumultong kaluluwa...

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon