TERRA COTTA SOLDIERS

222 83 0
                                    

Ang Terra Cotta Soldiers China ang mga mumunting sundalong pigurin na may kabayo at karwahe.

Nilikha ito para protektahan ang unang emperor ng China na si Shin She Hwong Dee sa paniniwalang babantayan sa kaniyang libingan ng mga sundalong estatwa.

Nahukay ng pitong magsasaka sa China ang libingan ni Wang Dee.

Noong 1974, pero may paniniwala ang mga matatanda sa kanila na hindi dapat naghuhukay sa ganitong sagradong libingan dahil mamalasin ang mga gagalaw nito.

Magagalit daw ang Diyos ng kalupaan dahil sa paghukay sa mga pigurin.

Sa takot na masumpa, hindi kaagad naihayag ng nga magsasaka sa awtoridad ng China ang kanilang bagong tuklas pero ng kumalat din ang balitang ito ay nagtungo sa isang lugar ang mga archaeologist para ituloy ang paghuhukay.

Tunay na bilang na pitong libong mumunting sundalo na may mumunting karwahe at kabayo ang ipinagawa ni Hwong Dee sa kaniyang paglilibingan.

Sa loob ng 2,000 years, napreserve ang mga ito at itinuring na isang isa sa mga pinakamalaking Archaeological Treasure sa China.

Panahong magulong-magulo ang China noong emperor pa si Hwong Dee, siya mismo ang isang malupit na leader na nagpapapatay ng tao kapag hindi sumusunod sa kaniyang mga utos.

Pati mahahalagang libro sa kanilang panaho'y pinasunog ni Hwong Dee kung hindi rin ito nakakalaman ng mga paksaing pampahaba ng buhay.

Dahil sa kaniyang kalupitan, si Hwong Dee ay pinagtangkaang patayin ng maraming tao kabilang sa nagtangkang patayin siya ay ang sarili niyang ina.

Kaya nagpagawa siya ng pulo-pulutong na sundalong pigurin ng mga sundalo.

Ang mga tao'y handang lumaban sa giyera sa pagnanais na huwag gambalain ang kaniyang bangkay sa oras na siya'y mamatay at mailibing.

Ngayon ay nagkatotoo ang sumpa dahil ang pitong magsasaka na nakatuklas at unang gumalaw sa mga pigurin ay minalas lahat.

Sumikat ang kanilang natuklasang Terra Cotta Souldiers na dinarayo ng mga turista sa China ngayon.

Pero sila'y isa-isang nakaranas ng hindi kanais-nais na pamumuhay mula noon.

Ang tatlo sa kanila ay namatay sa batang edad at ang isa pa ay nagpakamatay.

Ang apat ay nawalan ng trabaho at ng ipagbili nila ang mga pigurin na nahukay, lalo silang nabaon sa utang hanggang silang lahat ay nagkasakit ng malubha at patuloy na naging miserable ang kalagayan.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon