ZOMBIE APOCALYPSE SURVIVAL

311 119 0
                                    

Isang grupo ang naniniwala sa Zombie mula sa Cornel University sa New York, USA ang nagmumungkahi kung paano tayo pwedeng tumakas papunta sa mga bundok kung totoong darating nga ang Zombie Apocalypse.

Hindi ito masasabing kathang isip lamang ng lubusan, meron kasing isang uri ng teorya na nagsasabing ang bangkay ng tao ay pwede pa ring gumalaw dahil sa mga
bacteria na hindi namamatay at naninirahan sa katawan habang siya ay nabubulok.

Ito ngayon ang pananaw ng nabanggit ng grupo mula sa nabanggit na unibersidad-ang banta ng deadly zombie virus.

Kung magkakatotoo nga, ano raw ang paraan ng ating kaligtasan?

Kung talaga raw na may zombie na kikilos at kakagat ng tao, magsisimula ang pagkalat ng pandemic dahil sa kanilang bacterian na dala dala.

Kung sakali ngang magkaroon ng outbreak, meron pa rin na mga taong mabubuhay sabi ng isang graduate ng Cornel University na si Alex Alemi.

Sa kanilang pananaw, mas madaling magkakaroon ng outbreak sa urban areas kumpara sa rural areas.

Ito ay dahil mas madaming tao ang magkakahawaan at ang maliliit na komunidad ay hindi pa naman unang dadapuan ng pandemic virus.

Sa pananaw pa ni Alemi, maglalabo labo ang populated area at kapag marami ang nagkahawaan, hihinto ang pagsalakay kaya ngayon pa lang dapat paraan na raw ang mga tao na lumikas papunta sa rural areas kung dumating man ang Zombie Apocalypse na kinatatakutan.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon