THE MAN FROM OTHER DIMENSION

456 191 2
                                    

Noong 1954, isang lalaki ang dumating sa Tokyo Airport sa Japan, siya'y nagmula sa White Race.

Ang itsura ayon sa mga nakakita ay ang karaniwang itsura ng Amerikano.

Ngunit nagkaroon ng pagdududa ang immigration office ng masilip ang kaniyang pasaporte.

Ang passport ay nagsasaad na ang lalaki ay galing sa bansa na ang pangalan ay Taured.

Walang ganong bansa na naitala sa mundo.

Siniyasat nilang mabuti ang passport at ito naman ay talagang pasaporte katulad ng standard na passport na nagtataglay mg mga hidden features kaya ang tingin nila, totoong passport iyon ngunit ang hindi nila maunawaan, kung ano o saang bansa ang Taured.

Idinaan sa masusing imbestigasyon ang lalaki at binigyan ng mapa at tinanong kung saan ba sa mapa ang Taured na kaniyang pinanggalingan.

Itinuro niya ang bahagi ng mapa na tumutukoy sa Andora.

Ang Andora ay bansa sa pagitan ng Spain at France na maunlad dahil sa sentro ng turismo.

Pero nang ipaliwanag ng mga imbestigador sa lalaki na ang itinuro niya ay mapa ng Andora, napakamot sa ulo ang lalaki at sinabing bakit iba ang pangalan ng kaniyang sinilangang bansa na Taured at tiningnan niya ang mapa.

Sinabi niya na ang Taured ay isang libong taon ng bansa kaya hindi maaring mawala ito sa mapa ng mundo.

Sa masusing pagsisiyasat sa kaniyang dalahin, nakakita ang customs official sa dala-dalang bagahe ng lalaki na may mga pera na mula sa iba't-ibang European denominations.

Ang kaniyang pasaporte ay nagpapatunay na siya'y nag-iikot sa buong mundo at ang huling byahe niya ay ang pagpasok sa Tokyo noon.

Kung siya ay pinapapasok ng iba't-ibang bansa sa kaniyang pag-iikot sa mga aiport, ibig sabihin kinikilala ng bansang ito ang bansang Taured.

Hindi pa rin kumbinsido ang mga Hapones na nag-iimbestiga sa lalaki kaya dinala nila ito sa isang hotel at pinabantayan sa dalawang immigration officer sa isang kwarto.

Sinabi niya na meron siyang hotel accomodation sa Tokyo pero ng alami  kung anong hotel at tinuro niya, walang record na nakita na nagkaroon nga siya ng reservation sa nabanggit na hotel.

Habang patuloy na iniimbestigahan ang lalaki na nakakulong sa hotel room, naglaho ito.

Takang taka ang dalawang gwardiya dahil kung tumalon siya sa bintana, dapat may aksidenteng pinagkakaguluhan sa baba.

Nasa mataas na palapag sila ng hotel noong oras na iyon.

Hindi rin naman nagbukas ang pintuan para sabihing siya ay tumakbo palabas.

Wala siya sa banyo, wala sa kisame, basta naglaho na lang na parang bula kaya hanggang ngayon palaisipan ito sa bansang Japan.

Totoo kaya ang sinasabi ng mga eksperto na ang lalaking ito ay galing sa ibang dimension at nakapasok na siya sa kamalayan ng mga tao sa ating mundo?

Kung ganoon nga tama ang sinasabi ng mga paranormal expert na may entities na nasa ating mundo ay iba rin ang tingin sa paligid kumpara sa tingin natin.

Ang Andora sa atin ay baka Taured sa lalaking misteryoso.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon