MAORI MASK

242 109 0
                                    

Ang mga Maori ay isang grupo ng Polynesian People na tumira sa New Zealand.

Sinasabing sabay-sabay na dumating ang mga nasa isandaang Maori sa New Zealand noong 800's sakay ng walong barko.

Ang kanilang pinuno noon ay nagplanong tahakin ang timog kanlurang bahagi ng dagat pasipiko.

May nakapagsabi raw na mayaman ang New Zealand sa jade at esmerald na kulay berde.

Nanirahan ang mga Maori sa bansa at bumuo sila ng sarili nilang komunidad na tinawag na Telikha Amauri.

Kilala ang mga Maori bilang mga mandirigma at kapag sumasabak sa giyera, ang kalalakihan at nagsusuot ng maskarang kahoy na may ukit.

Sinasabi na ang kaluluwa ng mga namatay sa digmaan ay nananatili pa rin sa suot nilang maskara.

Ang itsura ng Maori Mask ay masasabing mabangis, nakabuka ang bibig, nakalabas ang dila at ang mga mata ay nanlilisik.

Kapag titingnan nong mabuti, may linyang nakaukit sa maskara.

Ito ang simbolo ng pagiging matapang ng bawat mandirigma.

Kinasisindakan ang kanilang maskara ng mga kaaway.

Sa kabilang banda, may dala namang sumpa ang Maori Mask sa mga kababaihan, lalo na sa mga buntis at nay buwanang dalaw.

Isang museum sa New Zealand ang may artifact ng Maori Mask.

Bago pumasok sa bahaging kinalalagyan ng maskara, may babala ang mga taga museum sa mga taong titingin ng malapitan.

Hindi raw dapat tingnan ng nga nagdadalang tao at babaeng may dalaw ang maskara sapagkat kapag may nangyaring masama sa mga ito, ayaw nilang masisi.

Naniniwala silang may sumpa ang mga maskara.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon