MUDHOUSE MANSION

205 70 1
                                    

Ang Mudhouse Mansion ay totoong pangyayari tungkol sa Haunted Mansion sa Fairfield Country, Ohio.

Ito ay pinamumugaran ng multo ng isang pamilya na namatay dito makalipas ang ilang taon at hanggang ngayon ito ay misteryo pa din.

Ayon sa mya residente ng Lancaster, ang bahay ay itinayo noong 1800's at tinirhan ng opisyal ng gobyerno.

Nag-uuwi siya ng mga slaves o alipin sa Mudhouse Mansion kahit na ito ay ilegal noong panahong iyon.

Wari ang lalaking ito ay hindi sumusunod sa batas at patuloy na kumukuha ng alipin at ikinukulong sa bahay nito.

Marahas niyang tinatrato ang kaniyang mga alipin at ang kanilang kondisyon naman ay nakakahabag.

Dumating pa sa punto na merong isang alipin na nagsimulang gumawa ng tunnel sa dingding.

Tuwing gabi ay paunti-unti siyang naghuhukay pagkatapos patayin ang lahat ng ilaw sa mansyon at habang ang lalaki ay natutulog na.

Sa bawat araw na pagsasagawa nito, nagawa na niyang makagapang sa maliit na butas at habang ang lalaki ay lumabas sa kabilang dingding.

Sa kalagitnaan ng gabi, dahan-dahan siyang naglalakad sa madilim na daanan sa mansion at pumunta sa likod ng nito, tinanggal ang lock at saka pinatay ang lahat ng tao sa loob bukod sa mga alipin.

Kinabukasan, nadiskubre ng mga tao ang nagyari pero lahat ng mga alipin ay nakatakas at walang makapagsasabi kung sino ang may pakana.

Ang mansyon ay naiwang bakante sa nakalipas na taon.

Matapos nito, ang mga kalapit nitong bahay ay nakakarinig ng mga tunog na nasasaktan at parang pinapahirapan na nanggagaling sa masyon.

Naniniwala ang iba na ito ay multo na pamilya at ang mga alipin.

Wala ni isa ang gustong pumasok o masilip man lang ang mansyon.

Ang sabi pa ng mga residente, merong isang lalaki ang bumili ng mansyon noong 1892 at lumipat kasama ang asawa't tatlo nitong anak.

Nakita ng mga kapitbahay ang kanilang paglilipat, mula sa pagbubuhat ng mga gamit sa truck hanggang sa loob ng mansyon.

Pagkatapos noon, walang nangyari.

Hindi na nila nakita ang mga ito kailanman.

Ni hindi nila nakita na nilisan nila ang bahay.

Naisip ng mga tao na nakakapagtaka na may himalang nakapanatili sa bahay na iyon.

Nang sumilip ang isang kapitbahay sa kabilang bintana ng mansyon, nakakita siya ng pigura ng babae at nakasuot ito ng puting bestida.

Nakatayo ito sa ikalawang palapag sa tabi ng bintana.

Wala itong ibang ginawa kundi tumayo at nakatingin lamang ito sa kanya.

Nang tiningnan niya ulit ito sa kasunod na araw, nakita niya ulit ang baba na nakatayo sa parehas na posisyon at lugar.

Araw-araw, kapag napapalingon siya sa loob ng Mudhouse Mansion, laging nandun ang babae at nakatayo sa tabi ng bintana.

Sa pangsampung araw, tumawag na siya ng pulisya at sinabing imbestigahan ang loob ng mansyon.

Nang makapasok ang mga pulis sa loob ay umakyat ang mga ito sa ikalawang palapag at doon nagulat sila sa kanilang nakita.

Ang limang miyembro ng pamilya ay nakabigti sa kisame, lahat sila ay wala ng buhay at lahat sila ay nakasuot ng puting kasuotan.

Lumabas sa report na pinatay nila ang kanilang sarili.

Ang pigurang nakikita ng kanilang kapitbahay ay ang nanay ng pamilya.

Hindi ito nakatingin sa labas ng bintana kundi matagal na pala itong nakabitin sa loob ng sampung araw.

Pagkatapos ng insidente, wala ng nagtangka pang tumira sa bahay at hanggang ngayon ay bakante pa rin ito.

Pumupunta rin dito ang mga tao para bumisita pero ang kasalukuyang may-ari ay hindi pinahihintulitan ang sinuman na pumasok sa teritoryo ng mansyon.

Minsan, nakaupo siya sa labas dala ang shotgun na nasa kaniyang hita para takutin ang mga tresspasers.

Natatakot siya na kapag may pumasok sa loob ay hindi na muling makalabas pa.

Ang sabi ng mga tao doon ay tuwing pagsapit ng gabi, makikita mo pa rin ang pigura ng babae na nakasuot ng puti at nakatayo sa ikalawang palapag ng mansyon.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon