NAZCA LINES WORLD HERITAGE SITE

332 146 1
                                    

Ikinagalit ng gobyerno ng Peru ang pangahas na panghihimasok ng mga aktibistang miyembro ng makakalikasang Greenpeace Movement.

Walang paalam kasi ang isang miyembro na pinasok ang Nazca Lines World Heritage Site para maglagay ng malaking mural sa kanilang isang publisidad.

Naglatag sila ng parang pinturang tela sa paligid ng nabanggit na site.

Ang Nazca Lines ay lugar na mahiwaga sa daigdig dahil di kayang ipaliwanag kung bakit nagkaroon ng napakalaking mga pigura na kakaibang uri ng hayop at mga kakaibang uri ng pananim na pinaniniwalaang nilikha dalawang libong taon na ang nakalilipas.

Panahon ito na wala pang mataas na uri ng teknolohiya sa mundo kaya walang taong maaring makahigit at makalikha nito.

Dahil aa natuklasang ito sa Peru, itinuring na sagradong lugar ang Nazca at naging tourist spot na lamang.

Ang ikinagagalit ng pamahalaan ng Peru, bukod sa walang paalam ang mga aktibista ng Greenpeace, tinapakan nila ang mga bahagi ng lupa na ni hindi pinapayagang tumapak ang kahit na sinong pangulo ng kanilang bansa.

Sabi nila, ang mga nalikhang tapak ng paa ng mga miyembrong ito ay magiging kasama na sa daan taong pang darating na hindi naman orihinal na kasama sa pagkakalikha ng tatak sa Nazca Lines.

Ang mga turista pala na pupunta roon ay binibigyan nila ng espesyal na sapatos upang hindi makalikha ng mga tapak at madalas ay sa ere lamang ipinapasyal sakay ng helicopter.

Ang lalo pang ipinagngingitngit ng gobyerno ng Peru, ang lugar na piniling pinturahan ng Greenpeace activist, ay ang lugar kung saan may pinakamariing tatak ng daang panahon.

Ito ang pinakasagrado sa lahat ng bahagi at bawal na bawal ang sinuman ang pumasok doon.

Tinabihan nila ng malaking letra ang higanteng drawing ng humming bird, ang mga letra ay nagsasaad na "Time for change, the future is renewable."

May gaganapin kasing UN climate talk sa Lima, Peru kung saan isang libo at siyamnapung deligado ang dadalo mula sa iba't-ibang bansa.

Layunin ng Greenpeace na ipamukha sa mga lider ng bansa na dapat talagang kumilos para sa kapakanan ng mundo.

Ngunit kung tutuusin, sa maling hakbang din sila nagsimula ng pagpapatawag pansin.

May karapatan ang gobyerno ng Peru na ihabla sila ngayon kaya himingi na sila ng paumanhin.

Sinabi ng Greenpeace na alam nilang may moral offense silang natawa sa mga taga Peru, magpupulong sila upang alamin ang kanilang nalikhang damage at kung paano ito maitutuwid pa.

Nangako rin sila na ihihinto ang pagpapakalat ng picture sa social media kung saan nandoon lahat ng ginawa nila pero balewala na rin iyon dahil kalat na kalat na ito kahit saan.

Mahalaga ang kasaysayan, kaya hindi rin natin dapat pakialaman ang tatak ng nagdaan.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon