THE GRAND GRIMOIRE

249 101 1
                                    

Ang Grand Grimoire ay isang aklat na kung tawagin din ay The Red Dragon o kaya ay The Gospel of Satan.

Totoong mayroon ito at itinatago ng Roman Catholic Church sa Vatican. Hindi pinapayagan ang publiko na mabasa ito o masilip man lang.

Natagpuan ito sa Jerusalem noong 1750 sa Solomon. Nakasulat aa Bibilical Hebrew, hindi rin ihinihahayag ng simabahang Katoliko kung kailan talaga ito nasulat ngunit nakasaad sa libro na ito ay nasulat noong 1522 A.D. pa.

Pero may paniniwala ang ibang theorist na mula pa sa 1200 A.D. at kinopya na lamang ang 1522 A.D

Isa sa kilalang nagsulat nito ay si Onorius na sinasabing siya rin si Pope Onorius ĪĪĪ. Ang naging Santo Papa mula 1148 hanggang 1227.

Kinilala ang Sworn Book of Onorius na siyang pinagkunan ng Grand Grimoire na aklat. Ngunit ang kasindak-sindak na teorya, si Pope Onorius ay siya mismong si Satanas.

May mga nagsasbi na siya'y sinaniban lamang ng espiritu ni Satanas para maisulat ang aklat na ito.

Nilalaman ng aklat ang paraan kung papaano ipapatawag si Satanas anumang oras na naising ipatawag gamit ang aklat na Grand Grimoire.

Darating naman si Satanas saan mang lupalop siya ipatawag kung ang layunin ay para sa kasamaan.

Ang salitang Grimoire ay katumbas ng mahika. Mahikang mabuti man masama. May ilang aklat na ganito ang laganap at karaniwang pinaniniwalaang nasa bansang Haiti.

Ito ang bansa na marami ang nagsasagawa ng pangkukulam, dahil ito ang bansang may malakas na voodoo culture.

Ayon sa ilang mangkukulam sa lugar, gumagamit sila ng aklat na ito para maging epektibo ang kanilang pangkukulam.

Naniniwala ang ilang theorist na ang Grand Grimoire ay isang uri ng aklat na may sariling mahika. Hindi raw ito nasusunog kahit sinisilaban. Hindi kayang punitin ni hindi nabubutas at natutusok ng karayom.

Sa madaling salita, hindi ito kayang wasakin ninuman. Ito lamang ang tunay na kayang ipatawag kay Satanas kung wasto ang ritwal na gagawin.

Kaya ring ipatawag ng aklat na ito ang iba pang mga demonyo. Mas malakas na paniniwalang ito ay isinulat ni Satanas dahil nakadetalye sa aklat kung saan saang lugar at ano anong milagro ang naganap na sa mundo.

Nakasaad sa aklat kung nasaan ang Biblical Relics na alam na alam noon pa man ni Satanas. May personal na drawing pa si Satanas sa aklat na ito kung ano ang itsura ni Jesukristo at ni Judas Cariote.

Ayon pa sa teorya, habang nasa kamay ng mga Vatican ang aklat na ito, ang bawat naging Santo Papa ay nagsisimula sa pagiging tao at nagiging alipin ni Satanas at sa kalaunan ay sinasaniban na ng espiritu ni Satanas ang Santo Papa.

Ngayon, nasa Vatican Secret Archive ang aklat na Grand Grimoire.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon