3 MOST HAUNTED HOSPITALS

163 47 0
                                    

1. Ang Ararat Lunatic Asylum ay matatagpuan sa bansang Australia. Nakilala ang gusaling ito sa pangalang Arandale.

Ito ay binuksan taong 1867 at ang pinakamalaking ospital sa bansang Australia.

Dito rin matatagpuan ang pinakakakaiba at pinakanakakatakot na pag-aaral na isinagawa sa kasaysayan sa mental.

Nang panahon ng ospital na ito ay may higit 50,000 pasyente at ang ilan dito ay sinasabing ang mga pinakadelikadong baliw sa kasaysayan.

Nanatiling bukas ang ospital na ito sa loob ng 30 taon at naitalang 13,000 pasyente ang namatay sa gusaling ito.

Isinara taong 1988 ngunit ang nakakagulat ay muli itong binuksan makalipas lamang ang 3 taon ng gobyerno ng Australia upang maging eskwelahan.

Ang gusaling ito ay ang pinakanakakatakot na gusali sa buong bansa at kabilang sa mga kurso rito ay ang pag-i-embalsamo ng mga patay.

Ayon sa mga estudyante roon ay madalas silang makaengkwentro na parang may nakatayo sa kanilang likuran at may mga boses na tila bumubulong sa kanilang tenga.

Mga hiyaw, iyakan at napakaramaming aparisyon na iilan lamang na madalas makita at marinig sa abandonadong ospital na ito.

Mga hiyaw, iyakan at napakaramaming aparisyon na iilan lamang na madalas makita at marinig sa abandonadong ospital na ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

2. Ang Sai Ying Pu  Psychiatry Hospital ay matatagpuan sa Hongkong at ito ay itinayo taong 1892.

Ang ospital na ito ay binabalot ng napakaraming kababalaghan.

Nang panahon ng ika-2 digmaang pandaigdigan, ito ay inokupa ng mga hapon kung saan nila pinapahirapan at pinatay ang di mabilang na mga bihag.

Matapos nito, ito ay ginawang ospital ng mga baliw taong 1947 hanggang 1961, ang kaisa-isang ospital ng mga baliw sa buong Hongkong.

Ito ay inabandona taong 1970 at agad nagsimulang makarinig ng isang iyak ng babae, mga dumadagundong na tunog na maririnig sa kabuuan ng gusali.

Mga yabag at aparisyon ng isang lalaki na nagpapakita sa iyong harapan tuwing gabi.

Mga yabag at aparisyon ng isang lalaki na nagpapakita sa iyong harapan tuwing gabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

3. Ang Taunton State Hospital ay matatagpuan sa bandang Amerika at ito ay itinayo noong 1854 bilang isang opsital ng mga baliw.

Ang ospital na ito ay tila isang bangungot.

Sumikat ito dahil sa isang pasyente na si Jane Poppin na mamamatay tao na umaming pumatay ng 311 tao.

Sinabi niya na mas nakakatakot pa ang mga nagpapatakbo sa ospital kumpara sa mga pasyente.

Ang mga pasyente ay kanilang dinadala sa basement ng ospital para gumawa ng demonyong ritwal na kailangang ialay.

Dahil dito, napakarami ang hindi maipalaiwanag na kakabalaghan ang lumilitaw.

Makikita rito ang mga aparisyon ng mga anino at kaluluwa. Makakarinig din ng napakalakas na palahaw, mga iyakan at boses na tila bumubulong, mga hagikgikan, mga malalalim na buntong-hininga na tila ba may pasyente nanaman ang iaalay sa demonyo.

 Makakarinig din ng napakalakas na palahaw, mga iyakan at boses na tila bumubulong, mga hagikgikan, mga malalalim na buntong-hininga na tila ba may pasyente nanaman ang iaalay sa demonyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon