MIKE THE HEADLESS CHICKEN

410 184 0
                                    

Si Mike the Headless Chicken ay naging sisiw noong April 1945 at namatay noong 1947 pero tinawag siyang Miracle Mike.

Isa itong wild chicken na napugutan ng ulo pero nabuhay pa ng dalawang taon kaya milagrong maituturing.

Noong Setyembre 10, 1945, ang magsasakang si Lloyd Olsen ng Frutz, Colorado sa USA ay maghahapunan. Inutusan siya ng asawa niya na bago kumain ay kumuha ng isang manok sa kanilang kulungan para katayin.

Pinili ni Olsen ang alaga nilang pinangalanang si Mike. Pagpugot niya ng ulo nito, nagmintis ang palakol at hindi napuruhan si Mike. May natirang utak kay Mike kahit napugutan siya ng ulo.

Nakatakas si Mike sa pagkakahawak ni Olsen at nabuhay siya ng hindi na muling nahuli ng gabing iyon. Kaya nagpasya si Olsen na aalagaan na lang si Mike.

Gamit ang eye dropper, pinaiinom niya ng gatas si Mike at sinusubuan ng mais na malambot sa lalanunan. Dahil sa pangyayari, naging bida sa ilang circus si Mike at nakakasama niya ang isa namang baka na may dalawang ulo.

Sa panahong iyon, kumikita si Olsen ng 4,500$ kada buwan dahil sa mga carnaval na sinasama niya si Mike.

Kaya sinubukan ni Olsen na mamugot ng mamugot ng ulo ng mga alagang manok na nagbabakasakaling matulad sila kay Mike pero walang nabuhay gaya ng pagkabuhay ni Mike.

Noong Marso 1947, sa isang hotel sa Arizona, pauwi na sila Mike at Olsen galing sa isang tour, nangisay si Mike sa gitna ng gabi.

Sa gutom pala kaya ito nangisay at noon lang napagtanti ni Olsen na naiwan pala niya ang gamit sa pagpapasipsip ng gatas kay Mike kaya ito nalagutan ng hininga.

Pero ayon sa mga beterinaryo, nahirapan na ring huminga si Mike dahil sa pagkakapugot ngbulo nito dalawang taon na ang nakalilipas.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon