THE DISAPPEARANCE OF ASHLEY, KANSAS

969 245 32
                                    

August 16, 1952

Noong gabing iyon nangyari ang hindi inaasahan. Ang maliit na bayan ng Ashley, Kansas ay biglang naglaho.

August 17, 1952

Eksaktong 8:28 ng madaling araw, tinamaan ang United States ng 7.9 magnitude na lindol. Ang lindol ay ramdam na ramdam sa buong America at sa Midwest nito. Ang sentro ng lindol ay mula sa Ashley, Kansas.

Rumesponde agad ang mga pulis at nang dumating sila sa lokasyon, nakita nila ang isang umaapoy at nagbabagang crater.

Mayroon itong laki na 1,000 yards at lapad na 509 yards samantalang ang lalim ng crater ay isang palaisipan pa rin.

Matapos ang 12 araw na paghahanap sa mga nawawalang residente ng Ashley, Kansas ay pinatigil na ng Kansas Government noong 9 ng gabi.

August 29, 1952

Idineklara na lahat ng 679 na residente ay patay na.

August 30, 1952.

2:27 ng madaling araw, isang magnitude 7.5 na lindol ang tumamang muli sa Unites States at ang gitna ng lindol ay Ashley, Kansas muli.

Agad na rumesponde ang mga local officials at nakarating sila rito ng 5:32 AM. Dito nakita nila ang crater na ginawa ng naunang lindol ay nagsarado na.

Walong araw bago mawala ang buong 679 na residente, maraming kakaibang pangyayari ang nailathala kasama na rito ang mga lokal ng residente pati na rin ang mga enforcers.

August 8, 1952

7:13 PM, si Gabriel Jonathan na isang residente ay nakakita ng kakaibang pangyayari sa may kalangitan.

Ang bayan noon ay wala pang official branch ng law enforcement kaya naman tumawag ito sa karatig-bayan na Hays at ini-report ang kaniyang nakita.

Ayon dito, nakakita siya ng para bang lagusan na kulay itim. Matapos ang 15 minuto, nagdagsaan na ang tumawag sa police station at iisa lang ang sinasabi nila.

Isang itim na bagay na nasa kalangitan.

Nagdesisyon ang pulisya na magpadala ng tao kinabukasan para mag-imbestiga.

August 9, 1952

7:54 PM, si Allan Mace na isang case police officer ay nagradyo sa kanilang istasyon. Sinabi nito na kahit na iisa lang ang daan patungo sa Ashley, naligaw pa rin siya.

Dagdag pa niya, dinaanan niya ang dating ruta para makapunta sa Ashley pero paulit-ulit lang itong bumabalik sa Hays. Napansin din nito na ang daanan ay isang diretsong daan lamang, walang paliko o kahit anong curve. Isang tuwid na daan lang.

9:15 ng umaga. Mayroong sampung police car ang bayan ng Hays at pinadala ang pito rito para imbestigahan ang karatig-bayan subalit lahat sila ay pare-parehs na bumalik lang sa Hays.

Ang nag-iisang daan na kumukonekta sa Ashley ay para bang naging isang lagusan at paulit-ulit silang binabalik sa kanilang pinagmulan.

Sunod-sunod naman ang phone calls na natatanggap ng istasyon. Ayon sa mga residente, ang itim na nasa langit ay unti-unting lumalaki.

Lahat ng mga tumawag, inabisuhan na manatili na lamang sa kanilang bahay at huwag umalis pa kung hindi naman kinakailangan.

8:17 ng gabi, si Elaine Kantor ay tumawag sa pulis para i-report ang kapitbahay niya na si Mr. and Ms. Miston na ang kanilang dalawang anak nasi Jeffrey at Brooke ay nawawala.

Ayon kay Kantor, sinubukang lisanin ng pamilya ang bayan kahit na pinagbawalan ng mga pulis gamit-gamit ang kanilang sasakyan at hindi na sila nakabalik pa matapos nito.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon