GREEN CHILDREN OF WOOLPIT

156 51 0
                                    

Ayon sa pagkakakilanlan sa Green Children, dalawang kakaibang nilalang ang bigla na lang lumitaw sa nayon ng Woolpit.

Isang batang lalaki at babae ang natagpuan ng mga iilang nag-aani at nagtatrabaho sa bukid sa St. Mary's of the Woolpit.

Ang kanilang kutis ay purong berde, ang mga damit ay gawa sa hindi pamilyar na materyales, at ang kanilang salita'y hindi maintindihan ng mga tao roon.

Kalaunan, sila ay dinala sa kabilang nayon kung saan sila ay pinatuloy sa tahanan ng lokal na may-ari ng lupa na si Richard de Caine at Wilkes.

Ang mga bata ay hindi kumakain ng anumang pagkain na inihahanda sa kanila ngunit sa huli ay nagutom rin ang mga ito at kumain dahil isang araw may nagpadala ng mga beans na naani na galing sa mga taga-nayon.

Ang batang lalaki ay nagkasakit at hindi nagtagal, ito ay namatay samantalang ang batang babae ay nanatili sa mabuting kalusugan at sa kalaunan, unti-unting naglalaho ang kaniyang purong berdeng balat.

Natutunan niyang magsalita ng Ingles at kalaunan ay ikinasal sa isang lalaki sa King's Lynn mula sa kalapit nilang nayon sa Norfolk.

Ayon sa mga saksi, kinuha niya ang pangalang Agnes Barres at ang lalaking pinakasalan niya ay isang Ambassador, bagaman ang mga detalyeng ito ay hindi pa napapatunayan.

Matapos niyang matutong magsalita ng Ingles, inilahad niya ang kwento kung saan talaga sila nagmula.

Ayon sa kanya, siya at ang kaniyang kapatid ay nagmula sa lupain ng Saint Martin kung saan walang araw kundi isang walang hanggan na takip silim at ang lahat ng naninirahan doon ay may kutis din na berde tulad nila.

Inilarawan din niya na may maliwanag na lupain na makikita sa kabilang ilog.

Siya at ang kaniyang kapatid ay hinahanap ang kawan ng kanilang ama nang sa isang sandali, sila ay napadpad sa isang kweba.

Pumasok sila sa loob ng kweba at naglakad sa kadiliman ng mahabang oras hanggang sa nakalabas sila sa kabilang banda at sinalubong sila ng maliwang na sikat ng araw na nakapagpagulat sa kanila at doon na sila natagpuan ng mga taga-Woolpit.

Sa pagdaan ng ilang siglo, maraming mga teorya ang nagsilitawan upang bigyang paliwanag ang kakaibang pangyayaring ito.

Mula sa paglalarawan ng nasabing lupain, iminungkahi ni Paul Harris na ang mga bata ay mga ulila ng Flemish at posibleng nagmula sila sa malapit na lugar sa Fornham St. Martin na naghihiwalay sa Woolpit sa River Lark.

Maraming mga Flemish na imigrante ang nagsidatingan noong ika-12 na siglo ngunit nausig sa ilalim ng paghahari ni King Henry II.

Noong 1173, marami ang namatay malapit sa Bury St. Edmunds.

Posibleng ang mga batang ito ay tumakas at pumunta sa Thetford Forest at tanging takip silim lang ang bumungad sa kanila noong mga oras na iyon.

Maari rin na ang napasok nilang kweba ay isa sa minahan sa lugar na iyon at nagbigay sakanila ng daan papuntang Woolpit.

Mula sa kakaibang pananamit na pang Flemish at pagsasalita ng kakaibang wika, ang mga bata ay nagsilbing hindi pangkaraniwan sa mga tao sa Woolpit.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon