BELL WITCH HAUNTINGS

300 133 0
                                    

Noong 1804, ang magsasaka na si John Bell sa North Carolina, kasama ang kanyang asawa't mga anak ay nanirahan sa Robertson County, Tenessee. Ang bukirin ay malapit sa isang ilog, sa loob ng labing tatlong taong tahimik na pamumuhay ng pamilya.

Pero noong 1917, nagbago ang lahat.

Ang mga anak at asawa ni John ay nakakakita na ng malahalimaw na hayop na naglipana sa kanilang farm. At may mga gabing kinakalabog na ang kanilang mga pinto ng mga hindi kilalang nilalang.

Hanggang may mga boses na ring naririnig sila sa loob ng kanilang tahanan. May umuungol, may lumalagapak na mga bato sa sahig at may tila kadenang humihila ng kung sinuman.

Ang higit na kasindak-sindak, nakaririnig sila ng taong pinapatay aa sakal. Umabot sa puntong nagsalita na ang nilalang na di nakikita.

Kilala nila kung sino ito at nagulantang sila nang sabihin ng kaluluwa na hindi lang siya nag-iisa.

Ang sabi ng boses, siya ang kaluluwa ng dating kapitbahay nila na mangkukulam o witch sa Ingles.

Ang pangalan ng witch ay si Kate Batts, kaya ang kaluluwa sa bahay ni John Bell ay tinaguriang Bell Witch.

Sabi ng kaluluwa ng mangkukulam, dalawa ang kaniyang misyon. Una, patayin sa sindak si John nguniy hindi niya sinabi kung bakit galit kay John na isang pastor.

Nais ng kaluluwang mangkukulam, pigilan ang pagpapakasal ng anak ni John na si Betsy sa kapitbahay nilang si Joshua kaya sa sumunod na tatlong taon, ang anak ni John na si Betsy ay nakaranas ng physical manifestation ng Bell Witch na ito.

Minsan, bigla na lang may humihila sa kaniyang buhok. Minsan may tumutusok sa kaniyang mga daliri na hindi nakikita. At minsan may bumubugbog sa kaniya.

Habang nagaganap ito sa anak ay nagsinula na ang pagdurusa ni John. Namaga ang kaniyang lalamunan at lagi niyang nararamdaman na may nakatutok aa kaniyang leeg na matalim na kahoy.

May pagkakataong bigla na lang may lumalamukos sa mukha ni John na parang kinakalmot-kalmot siya. Kaya humina ng humina ang katawan ni John sa mga kababalaghang ito.

Hindi tinablan ng kaluluwa ng mangkukulam ang anumang padasal, bendisyon at pamisa sa bahay ni John.

Kaya noong Disyembre20, 1980, nagtagumpay ang kaluluwa ng mangkukulam sa kaniyang misyon.

Namatay si Bell.

Kaya noong 1828, ilang linggo muling naligalig ang bahay ni John Bell. Kinausap ng kaluluwa ang anak ni John na si Joe, sinabi ng kaluluwa ng mangkukulam na babalik pa rin siya makalipas ang 107 years.

Kaya patuloy hanggang ngayon ang mga taga Tenessee sa paghihintay kung babalik pa ba para manggulo aa kanila ang binansagang 'Bell Witch'.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon