THE FOX SISTERS

287 115 1
                                    

May kakaibang pangyayari sa bahay ng mga Fox at naiba raw ang buhay ng kanilang mahirap lamang na pamilya.

Sila Maggie at Kate Fox ay nagsabing nakakausap nila ang mga patay at ng kumalat ito ay naging sikat sila sa kanilang panahon.

Kaya noong November 1849, nabuo nila ang isang spiritualist movement at may public performances gaya ng pakikipag-usap sa mga namayapa na.

Dahil tanggap ng mga tao noon ang kanilang kakaibang taglay na kababalaghan pati ang kapatid nilang napahiwalay sa asawa na si Leah Fox ay isinama nina Maggie at Kate sa kabilang public performances.

Naging manager ng magkakapatid si Leah kaya lalo silang nakaikot sa maraming siyudad. Ang bawat pagtatanghal nila ay may bagong nakikita.

Mula sa pakikipag-usap lang sa mga patay, nagagawa na nilang magpagalaw ng mga bagay, nagpapalutang ng mga mesa at may lumilitaw na ilang kaluluwa.

Tinangkilik ang silang tatlo, kahit na ang mga celebrities ng panahong iyon tulad nina Pete Bernim, William Bryant, James Cooper magingvang newspaper editor na si Horace Greeley ay nagbigay ng disenteng tirahan sa magkakapatid.

Kamamatay lamang noon ng anak na lalaki ni Greeley kaya interesado siyang makausap ang kaluluwa ng anak. Inalok pa ng milyonaryong si Greeley na pag-aralin sila Maggie at Kate pero ang tinanggap lamang ni Leah bilang manager nilang tatlo ay ang alok para kay Kate.

Mas may talent si Maggie at ayaw ni Leah na iwan ang negosyo nilang magkakapatid na pagtanghal. Habang sumisikat pa sila ay marami ang taga-media na nagsasabing peke talaga sila.

Nakalilikha lamang ng ingay ang magkakapatid sa pamamagitan ng pagtukto ng kanilang daliri sa paa o pagpapatunog ng kanilang mga buto sa tuhod at buku-bukuhan. Kaya rin kasi ng magkakapatid na magsalita ng hindi bumubuka ang bibig gaya ng ginagawa ng mga puppeteers.

Hinihinala ng ilan na may mechanical device pa ang magkakapatid kaya tila may kakaiba silang dalang himala sa pagtatanghal. Ngunit ang lahat ng bintang na ito ay hindi napatunayan.

May mga bumuong grupo para imbestigahan at tuklasin ang kanilang nga paraan. Kapag kinakausap naman ang grupo ng mga espiritu kahit hindi consistent ang sagot mas marami ang masasagot kaya mas pinaniniwalaan pa rin ang knilang kakayahan.

May isa pang pagsubok, itinali ang paa ng tatlo para hindi maigalaw habang may performance. Ngunit may mga naririnig na kasindak-sindak na tunog kapag nagsisimula na silang mag medium para sa mga patay.

May mga babaeng kumite na pati ang mga kasuotan nila na mga panty ay siniyasat para malaman kung may tinatago silang device pero wala ring nakita.

Kahit duda pa rin ang binuong imbestigasyon, lahat ng naging miyembro nito'y walang nasabing peke ang magkakapatid.

Ang nasabi lang nila, baka si Leah ang nangangalap ng mga impormasyon sa mga namayapa kaya kapag nagsisimula na ang magkakapatid sa seremonya ay alam na nila ang background ng namatay para kausapin ang kamag-anakan nito.

Pati ang mga kaluluwa ng mga tanyag na tao na namatay ay nagawa nilang makausap diumano.

May mga nagduda noong kausapin ang kaluluwa ni Benjamin Franklin, kasi hindi maayos ang grammar sa pagsasalita ng pumasok na raw ang kaluluwa nito kay Maggie. Pero sabi ni Maggie ng mahimasmasan siya hindi naman niya lubos maunawaan kasi ang grammar.

Huminto si Maggie sa pagiging medium noong mapangasawa niya ang Explorer na si Elisha Kent Kane ngunit anak mayaman si Kane kaya hindi tanggap ng kanilang pamilya si Maggie.

Hindi legal ang kanilang naging kasal ng namatay si Kane noong 1857. Naghirap si Maggie, dahil dito natuto siyang maglasing at kahit bumalik sa pagiging medium ay naapektuhan ang kalusugan sa labis na pag-inom ng alak.

Nalulong din sa alak si Kate kaya hindi na rin maayos ang kanya ring performance.

Nagtungo siya sa England noong 1871 para doon ipagpatuloy ang pagiging medium pero hindi pa rin niya nakontrol ang paglalasing.

Napangasawa ni Kate ang baristang si Henry at nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki.

Noong 1885, naghigpit ang mga awtoridad sa mga medium kaya humina ang negosyong ito.

Ipinatawag ng isang New York Commision si Maggie para patunayan na hindi peke ang kaniyang ginagawa.

Nang panahong iyon ay namatay naman ang asawa ni Kate dahil sa atake sa puso kaya napilitan siyang bumalik sa New York.

Wala siyang naging trabaho at patuloy na naglalasing at inaresto siya dahil sa kapabayaan sa kaniyang mga anak. Inalagaan ng Welfare Department ang mga anak ni Kate.

Noong 1888, lumabas sa publiko si Maggie para sabihin na ang kanilang pagiging medium ay isang malaking kasinungalingan lamang.

Dahil sa labis na lasing ay naisip raw na magpakamatay na pero bago ito, naibulgar ang totoo sa kanilang pag-angkin ng kapangyarihang kakaiba na makipagtalastasan sa mga namayapa na.

Sinabi niya na ang mga tunog na nalilikha nilang magkakapatid ay dahil lamang sa pagtuktok ng mga hinlalaki sa daliri ng kanilang mga paa.

Isinisenyas ng nakatatandang kapatid na si Leah ang kanilang pagiging medium. Ito raw ang nagtulak at pinili nila na manloko ng mga tao.

Sinabi niya na malaking kalokohan ang spiritualism. Habang inihahayag naman ito ni Maggie sa entablado, nakatingin lamang sa kaniya ang kapatid na si Kate na nakaupo sa isang sulok. Tumatango-tango siya sa bawat pahayag ng kapatid na si Maggie.

May mga duda na nagsabing tama pala ang mga tao pero may patuloy na naniniwala sa kanila at sinabing dulot lang ng matinding epekto sa pagkalulong sa alak kaya naging paiba-iba na ang takbo ng utak ni Maggie.

Sinabi na ni Kate na hindi totoo ang mga pahayag ni Maggie na sila ay peke kaya ipinagpatuloy ni Kate ang pagiging medium.

Noon ngang 1981, binawi ni Maggie ang kaniyang pahayag sa publiko na peke sila. Ginawa raw ang pahayag para lamang gantihan ang kapatid na si Leah dahil itinakas nito ang kayamanang naipon nila sa performances at sumama sa napangasawang negosyante.

Nagpatuloy sa pagkalulong sa alak at namatay dahil dito si Kate noong 1892 sa eda na 56 years old. Natagpuan na lang ng kaniyang anak ang bangkay niya sa tirahan nito.

Namatay naman sa tinutuluyan nilang bahay niya si Maggie sa edad na 59 makalipas ang isang taong yumao si Kate.

Parehong humarap sa mga kaluluwa ng mga patay ang magkapatid na lumisan sa mundo pagkatapos magkapera dahil daw sa pakikipag-usap sa mga kaluluwa ng mga namatay na.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon