JAPANESE SUICIDE PAINTING

289 104 3
                                    

WARNING: Kung naniniwala ka sa sumpa o kung ano pang kamalasan, mas mabuti pang wag mo itong tignan, pwede mong basahin pero wag na wag mong titignan ang picture. Ikaw rin, bahala ka.

Ang sinuman ang tumingin sa picture, picture ng isang magandang haponesang itsura, may masamang mangyayari kasi may sumpang dala batay sa kuwento ng babaeng may gawa mismo ng sumpa.

Isang teenager na haponesa ang nakialam sa dati na raw na haunt picture na ito.

Nag-scan siya sa computer saka nai-post para kumalat ang kanyang sumpa.

Sabi niya 'Ang sinuman ang tumingin sa picture ay mamalasin pag natapos niyang magpakamatay.

Ang titingin ay makararamdam ng lungkot at pagkabalisa o pwede ring magpakamatay.'

Noong naka-post na nga sa online ang picture ay nagpatiwakal ang teenager.

Sa Japan ay uso ang pagpapakamatay kapag ang mga tao roon ay nakararamdam ng matinding kalungkutan at kawalang ng pag-asa sa buhay.

Pero tayong mga Pinoy, iba, habang binabayo ng pagsubok ay lalong tumatatag.

Ang pagpapakamatay niya ay hindi pinansin ng mga Hapones, sapagkat ang pagpapatiwakal sa kanila ay isang bagay na karaniwan.

Ngunit sa bansang Korea, Thailand at dito sa Pilipinas, seryoso ang naging epekto ng kaniyang kamatayan at ng kaniyang sumpa.

Marami ang nagkainteres na tingnan ang picture at may mga kaso na sila'y nakadaramdam ng matinding kalungkutan sa pagtitig sa mata ng babae sa larawan.

Ang tawag ng Koreano sa picture ay 'larawan ng pagpapatiwakal' at itinulad nila ito sa Gloomy Sunday na ating naririnig.

Sa awit na ito, sinasabing ang sinumang makinig, nauudyok na kitilin ang sariling buhay.

May kuwento rin na kapag lampas limang minuto ma tititigan ang mga asul na mata ng babae sa larawan, nag-iiba ang dating nito mula sa mapungay na mata'y nagiging mabalasik ang titig.

May nagsasabing ang pinanggalingan ng picture ay isang painting ng artist mula sa Thailand.

Ang babae sa picture ay hindi tunay na tao kundi fiction character na nagngangalang Princess Rru na halaw sa animated movie na 'Tellurian Sky'

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon