THE FIRST NEPHILIMS

175 47 0
                                    

Sa mundong ito ay may mga bagay pa tayong hindi nalalaman.

Sa lawak ba naman ng daigdig ay walang makakapagsabi na napuntahan na nila ito

Mga misteryong hindi pa nalulutas, mga hayop na nabuhay 600 million years ago.

Mga taong napakalaki na ang tawag natin ngayon na mga higante.

Merong totoong higanteng nabuhay at nanirahan sa mundo natin at meron pa kinalaban ng mga sundalo.

Sa katunayan, mga labi na lang o mga buto ang nakita pero nakakamangha dahil sa laki ng nga ito ay hindi mo aakalaing totoo.

Ang unang butong natagpuan sa Ecuador sa bayan ng Loha, isang araw ay nagkaroon ng malakas na bagyo at mga pagguho o landslide.

Nagkaroon din ng pagbaha at dahil sa mga sakunang iyon ay mayroong hindi inaasahang lilitaw at ito nga ay ang mga buto ng Nephilim o higante.

Noong sinuri ng mga eksperto ang mga buto, napag-alaman nila itong isang babae na tinatayang nasa 600-900 years ng naririto at nakalibing.

Meron ding natagpuan sa bansang India, ang mga butong ito ay nakita noong 1930's.

18 higanteng buto ang nakita sa lugar ng Winsconsin noong 1912.

Tatlong malalaking ulo ng higante na natagpuan sa Brazil.

Mga buto ng higante na natagpuan sa Spain.

Mga butong hatak-hatak ng mga tao na nagmula sa New Zealand noong 1934.

Mga buto na binansagang Sleeping Skeleton.

Ilan lamang ito sa mga lugar na mayroong Nephilim at ito pa ang pinakamatindi, ang higante na nakita sa Afghanistan.

Isang araw ay merong misyon ang mga sundalo ng Afghanistan.

Ang lugar na pupuntahan nila ay isang desyerto at dahil dito, isang batalyon sa mga sundalo ang nawawala.

Tinatayang nasa isang linggo na itong hindi macontact kaya gumawa agad sila ng rescue operation.

Habang sila ay naglalakad sa disyerto, meron silang nakitang isang malaking  kweba na animo'y hindi tao ang may gawa dahil sa laki ng pinagpatong-patong na mga bato.

Noong tumingin sila sa lapag ay laking gulat nila na mayroong radyo na naiwan na pagmamay-ari ng isa sa kanilang kasamahan.

Doon na sila kinutuban at ang nangyari, pinalibutan nila ang kweba at nang papasukin na ng isang sundalo ang loob ay may biglang sumaksak dito na isang malaking nilalang na nasa tantyang 12 feet ang taas pero hindi nagpatinag ang tropa at pinagbabaril nila ito hanggang sa humandusay ito sa lupa at doon nila napagtanto na higante pala ang nakalaban nila.

Natakot sila ng sobra at namangha dahil sa unang pagkakataon sa tagal nila sa mundong ito ay doon lamang sila nakakita ng higante.

Ang kwentong ito ay nanggaling sa mga sundalong nakipagbakbakan noong araw na iyon at hindi lamang ito gawa-gawa dahil sila mismo ang nagkwento nito.

Nagkaroon ng mga higante dahil sa sumuway ito sa Diyos at nakasaad sa bibliya na ang mga Nephilim ay anghel ng Diyos na nagkagusto sa tao.

Iniwan nila ang langit at sinuway ang Diyos para lang sa kagustuhang magkapag-asawa.

Ang lalaking anghel ay sumuway para sa babaeng tagalupa at nagkaroon ng bunga ang kanilang pagsasama kaya nagkaroon ng mga Nephilim o higante.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon