SENTINELESE:THE UNCONTACTED TRIBE

356 153 2
                                    

Nakahakot ng atensyon ang isang litrato na nakuha matapos ang 2004 Asian Tsunami. Para kasing nagbalik sa nakaraan ang tao sa litrato.

Hubad at may hawak na pana, parang nais sugurin ang taong kumukuha sa kanila ng litrato.

Ang nasa litrato ay isang miyembro na tinatawag Sentinelese Tribe.

Binalak nitong panain ang helicopter na nais lamang silipin ang kanilang kondisyon na kung sila nga ba ay nakadama ng pinsala matapos mg Tsunami.

Ang kanilang grupo ay binansagan na Uncontacted Tribe dahil ayaw nilang makisalamuha sa mga modernong tao sa labas ng kanilang isla.

Pinaniniwalaan na nagmula ang mga Sentinelese sa unang populasyon ng tao mula sa Africa dahil sa kanilang kakaibang lenggwahe na may pagkakatulad sa ibang tribo.

Sa isla ng Andaman ay masasabi na matagal na talaga silang nalalapitan o nakakasalamuha ng ibang tao sa loob ng isang libong taon.

Sa pagkukwento ng Survival International, isang organisasyon na naglalayong protektahan ang karapatan ng mga tribo, mag-isang nakatira ang mga Sentinelese sa maliit na kagubatan sa North Sentinel, isa sa mga isla ng Andaman sa Indian Ocean.

Walang pag aalangan nilang nilusob ang nagbabalak na lumapit sa kanilang lugar.

Katulad ng nangyari noong 2002, dalawang mangingisda sa India na idinaong lamang ang kanilang mga bangka malapit sa North Sentinel upang magpahinga matapos ang ilegal na pangingisda sa paligid ng isla ay napatay sila dahil napabayaan lang ang paglapit ng kanilang bangka sa baybay dagat ng isla na tinitirhan nitong mga Sentinelese People.

Ang mga impormasyon kasi na nakalap tungkol sa kanila ay obserbasyon lamang. Habang sakay-sakay ang isang bangka na may sapat na layo.

Yung layo na di nila kakayaning abutin ng mga nagliliparan nilang mga pana at minsan ang distansya ay itinala lamang ng mga Sentinelese kapag hinahayaan nila ang mga awtoridad na abutan sila ng mga buko o coconut

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Yung layo na di nila kakayaning abutin ng mga nagliliparan nilang mga pana at minsan ang distansya ay itinala lamang ng mga Sentinelese kapag hinahayaan nila ang mga awtoridad na abutan sila ng mga buko o coconut.

Sa katunayan, hindi pa rin nalalaman kung ano nga ba ang tinatawag nila sa kanilang mga sarili.

Pangangaso at pangingisda naman ang paraan nila ng pamumuhay hindi tulad ng kapitbahay nilang Jauara, isa pa itong grupo ng indigeneous people sa Andaman Island sa India.

Noong 1970's, madalas na bumubisita sa North Sentinel ang mga awtoridad ng India upang kaibiganin ang mga tribo.

Minsan nagdala pa sila ng baboy at manika na kanilang iniwan sa isla.

Nais lamang daw nilang makuha ang loob ng tribo pero sinibat lamang ng mga Sentinelese ang mga baboy at inilibing kasama ng manika.

Pero patuloy pa rin nilang binibisita ang tribo simula noong 1980's.

Minsan sinusubukan nilang mag-iwan ng mga regalo tulad ng buko, saging, piraso ng bakal.

Kinukuha lang nila ang mga regalo at nagpapasalamat sila sa pamamagitan ng pagpana sa tagalabas.

Pero dumating noong 1991 ang mga opisyal para puntahan ang North Sentinel, mainit silang tinanggap ng tribo, tinawag pa sila at tinanggap ang mga regalo ng walang hawak na sibat o pana.

Nagpunta pa nga sila sa tubig upang kolektahin ang mga buko sa isang bangka pero ang ganitong pakikisama ay hindi rin pala magtatagal.

Bagamat nagpatuloy ang pagbibigay sa kanila ng mga regalo, hindi na sila naging palakaibigan muli.

Minsan tinututukan pa sila ng pana at inaatake sila ng tribo gamit ang palakol na gawa sa bato.

Tila hindi mapredict ng awtoridad ang pabago-bagong pakikisalamuha ng tribo sa kanila.

Noong 1996, itinigil na ang regular na pagreregalo sa tribong Sentinelese. Inaalala nila ang kanilang kahihinatnan noon ng tribo ng Andamanist.

Nang dumating kasi ang mga Briton sa isla ng Andaman noong 1858, natagpuan nila ang tribo ng Great Andamanist na may population na 5,000 pero marami ang namatay dahil sa sakit daw na dala ng mananakop.

Sinubukan pa silang dakipin ng mga Briton para gawing sibilisado.

February 2010, tuluyan ng napabalita ang pakaubos ng lahi ng mga Great Andamanist, maaring ito rin ang kinatatakutan ng lahi ng mga Sentinelese Tribe.

Sa mga sumunod na taon, paminsan-minsan na lamang ang pagbibisita na ginagawa ng mga tagalabas. Napagpasyahan na ng mga awtoridad na hindi na muling pakialaman pa ang tribo.

Ngunit nito lamang 2017, muling nanganib ang mapayapang pamumuhay ng tribong Sentinelese kasama na rin ang iba pang tribo sa Andaman Island, may mga administrasyon kasi na nagbabalak na maglaan ng ruta para sa palibot sa isla upang daanan ng mga turista at masilip ang pamumuhay ng mga tribo.

At isa sa mga maaring maapektuhan rito ay ang tribo ng Juara na nalalapit na rin daw maubos tulad ng mga Great Andamanist.

Meron pa ngang nais magtayo ng resort sa paligid ng isla, isang bagay na kinakabahala ng mga aktibista at nais na ipagtanggol ang karapatan ng mga tribo.

Nais kasi ng mga ito na gawing human zoo ang tahanan nila, delikado rin ito dahil kilala ang Sentinelese na agresibo sa mga tao sa tagalabas at magdadala lamang ito ng gulo at sakit sa mga katutubo.

Hindi pa rin masisiguro ang kahihinatnan ng mga rehiyon na ito at ng mga naninirahang tribo pero sa patuloy na paglaki ng turismo sa Andaman sa India, mas magiging delikado ang pamumuhay ng mga tribo sa Andaman Island at mas hindi maipapaintindi sa iba ang importansya ng pagkakaroon ng kapayapaan at kalayaan sa pamamagitan ng pamumuhay sa ilalim ng sariling kultura.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon