3 ALIEN ABDUCTIONS WITH SOLID EVIDENCES

536 203 1
                                    

Isang lalaking nagngangalang si Antonio Villas Boas mula sa Brazil.

Noong November 1957, isinulat ng 23 years old na si Jowaw Martins na meron siyang karanasan tungkol sa alien. Masusing nag-imbestiga ang journalist kasama ang ilang doktor.

Unang imbestigasyon ang tinatawag na hypnosis stage. Sinabi niya ang kwento at pagkatapos ay muli siyang kinausap sa paraang normal at ganoon din ang kaniyang kwento.

Napapahinto na lang si Antonio noong normal na ang talakayan kapag ang itinatanong ay tungkol sa detalye ng sexual harassment na ginawa sa kaniya ng babaeng alien.

Noong October 16, 1957, mag-isang naglalakad si Antonio aa kanilang bukirin. Bandang madaling-araw noon ay may lumitaw na pulang liwanag mula sa kalawakan.

Sabi niya, ang itsura nito ay isang malaking flying saucer, huminto malapit sa kaniya at mayroong lumabas na tatlong paa sa sasakyan upang tumindig sa kanilang taniman.

Sa sobrang takot niya, tumakbo siya at nagtago sa kanilang traktora. Pero, huminto ang makina nito sa pag-andar kaya tumalon na lang siya papalayo at tumakbo. Doon siya nadakma ng apat na humanoid na nakauniporme at nakahelmet.

Kinaladkad siya papasok sa lumapag na UFO. Sa loob ay nakita ni Antonio ang mumunting kutitap at ipinasok siya sa isang silid. Saka hinaburan at pinaliguan siya ng makapal na pumada.

Inilipat siya sa isang kwarto at merong dalawang alien na kumuha sa kaniyang dugo. Pagkatapos noon ay nakaamoy siya ng singaw ng gas at nanghina.

Ilang minuto pa ang lumipas, nakarinig siya ng maingay na tunog at paglingon niya, may paparating na isang babaeng kawangis ng tao pero ang mata ay sa pusa at mahaba ang buhok.

Tumatahol ito habang inaakit siya at naganap nga ang pagtatalik nila ni Antonio. Pagkatapos noon ay umalis na ang babae habang hinihimas ang puson nito. Ibinalik sa kaniya ang mga damit, umikot-ikot muna ang sasakyan saka inilabas siya.

Noong nakatungtong na si Antonio sa lupa, sumibad ang sasakyan sa pinakamatulin na paraan papunta sa himpapawid hanggang sa maglaho na ito.

Nang makauwi siya sa kanilang bahay, tiningnan ni Antonio ang kaniyang relo at alam niyang apat na oras na siyang nawawala sa lupa, pilit niyang kinalimutang ang pag-aaral bilang abogado.

Nakapag-asawa na nga siya at nagkaroon ng apat na anak. Namatay siya noong 1992 na hindi binago ang kaniyang kwento tungkol sa pagdukot sa kaniya ng isang UFO at sapilitang pakikipagtalik sa babaeng kung ituring niya ay alien.

Ang sabi ng iba, kung ang habol lang ni Antonio ay pera ay dapat ibinenta na niya ang kwento bago pa siya nakapag-aral ng abogasiya.

Pero dahil wala naman siyang interes kundi magkwento lang, naniniwala ang iba na totoo ang pangyayari.

May isa pang nagsasabing siya ay nakidnap din ng extraterrestrial beings.

Isang babaeng pinangalanang si Linda ang sinasabing dinukot ng isang UFO noong 1989 sa New York City, bandang alas tres ng madaling araw sa buwan ng Nobyembre.

Sabi ng babae, mula sa kaniyang apartment sa Manhattan, merong dumating na alien, kinuha siya at isinakay sa isang spacecraft. Sa loob nito ay nagkaroon ng medical procedure.

Wala sanang maniniwala sa kwento niya pero sabi ng abduction theorist na si Bud Hopkins, meron kasing dalawang credible witnesses.

Dalawang miyembro ng United Nations ang bumibiyahe noon galing sa isang secret meeting.

Pagtapat sa lugar na malapit sa apartment ni Linda, ang electrical system ng kanilang sasakyan ay huminto saka raw nila nakita ang pagdukot ng isang UFO sa isang babae.

Hindi sila nagkwento kanino man dahila baka mabulgar na sila ay secret agent ng United Nations at mas mas mahalaga ang kanilang misyon ng gabing iyon.

May mga lumitaw ding saksi na noong oras na iyon ay huminto rin ang sasakyan nila malapit sa apartment ni Linda dahil sa malfunction sa electrical system kaya nakita rin daw nila ang pagdukot ng alien kay Linda.

Noon namang July 23, 1992, alas syete y media ng umaga.

Nakahiga si Peter Corrie sa kaniyang kama sa bahay niya sa Sydney, Australia at may naganap na hindi inaasahan.

Naramdaman niya na merong pumasok sa silid at pagdilat niya ay may dalawang babaeng nakaluhod, mga hubo't-hubad at nasa dulo ng kaniyang kama.

Ang mga mata ay doble ang laki kaysa sa mga tao, ang kulay ng buhok ay may pagkabrown na maaaninag at medyo kulot.

Ang isa namang babae ay itim ang kulay ng mata, mga payat ang katawan nila at ang tangkad ay nasa 6 ft.

Sabi ni Peter, malalakas ang mga babaeng ito kahit na magaganda ang itsura at parang mga lalaki ang kilos. Matulis ang kanilang baba at nakausli ang kanilang buto sa pisngi.

Sabi pa ni Peter, naghahanap ng sex ang dalawa pero alam niyang hindi ito mga tao.

Nagtitinginan lang daw at nagkakaunawaan ang dalawa kaya sa tingin ni Peter ay gumagamit sila ng telepathy para mag-usap.

Ang babaeng itim ang mata ang siyang unang kumilos, hinawakan ang ulo ni Peter at isinubsob sa dibdib nito.

Pumalag siya pero hindi siya nakakilos sa lakas nito. Doon na siya nagsinulang mataranta. Kinagat niya ang nipple ng babae pero kahit alam niyang nasugatan ito, hindi nasaktan o umimik ang babae.

Sabi pa ni Peter, sa sobrang nerbyos din, nalunok niya ang kapirasong laman na nakagat niya at nagsimula siyang mabilaukan kaya napaubo. Doon daw biglang naglaho ang dalawang babae.

Ang ipinagtataka niya, bakit sumasakit ang kaniyang sex organ?

Nagtungo siya sa banyo upang tingnan upang maghugas at nakita ni Peter na may dalawang hibla ng buhok ang nakapulupot rito.

Inilagay niya ang dalawang hibla ng buhik sa plastic at agad itong pinag-aralan ng mga siyentipiko.

Lumitaw sa DNA test na ibang klaseng buhok at hindi sa tao ang kaniyang buhok na nahila.

Ang hibla ng buhok ay halos transparent na parang salamin pero hindi naman ito dumaan sa chemical treatment.

Kaya sabi ng mga nag-aaral, kung ang dalawang umatake kay Peter ay mga alien o human hybrid ang ang layunin ay manghalay ng mga tao, sila talaga ang karapat-dapat na magsagawa ng pag-aaral dahil hindi sila natatakot  magkaroon ng AIDS.

Samakatuwid, kung totoo man silang ipinadala upang makakuha ng lahi ng tao.

Piling-pili pa sila para hindi contaminated ang magiging anak sakaling magbunga ang sinasabing Raped by an Alien by Peter Corrie.

Kung ang lahat ng ito ay totoong naganap, sinasabi ng ancient alien theorist na ang ultimong layunin ng mga alien ay manatiling buhay ang kanilang genes sa lahi ng tao.

Kaya hindi raw nakapagtataka na sa darating pang panahon, magiging pinakamataas na uri ang katalinuhang tataglayin ng mga tao dahil sa nagaganap na perfection ng mga taga ibang planeta na gumagamit aa ating lahi para maeksperimentuhan ang kahihinatnan ng ating mundo.

----------------------------------------------------------

A/N: Antonio Villas Boas👆

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon