EXORCISM OF ANNELIESE MICHEL

141 48 2
                                    

Si Anneliese Michel ay ipinanganak sa Germany noong September 21, 1952.

Siya ay lumaki sa pamilyang Katoliko at sa katunayan ay napakarelihiyosa.

Sila ay nagtutungo sa simbahan dalawang beses sa isang araw kasama ang ilan niyang kapatid ang ang kaniyang mga magulang.

Noong siya ay tumuntong sa edad na 16 ay nadiagnose siya na mayroong sakit na epilepsy.

Nang taong 1970, nagtapos siya ng kolehiyo at ang pagkakakilala sa kaniya ng kaniyang mga kaeskwela ay relihiyosa.

Taong 1973, habang nasa psychiatric hospital si Anneliese, siya ay inatake ng pangatlong seizure kaya naman sa unang pagkakataon, binigyan siya ng kaniyang doktor ng anticombulsion medicine.

Isa sa mga binigay na gamot ay hindi nakatulong bagkus pinalala pa nito ang kondisyon ni Anneliese dahil nagsimula na raw itong makakita ng mga demonyo.

Noong buwan din na iyon, niresetahan siya ng panibagong gamot na pinanggagamot sa sakit na psychosis tulad ng delusion.

Nagkaroon siya ng depression at nagsimula siyang maghallucinate habang nagdarasal at nakaririnig na rin siya ng mga boses na nagsasabing siya ay walang kwenta at mabubulok sa impyerno.

Ang pamamalagi ni Anneliese sa psychiatric hospital ay hindi din nakatulong upang bumuti ang kalagayan niya kaya lalo pa itong lumala.

Sa limang taon niyang pag-inom ng mga gamot ay hindi naibsan ang kaniyang sakit kaya ito ay balewala lamang.

Nagsimula na rin siyang matakot sa mga sagradong lugar at mga bagay katulad ng krus.

Nagtungo sila sa San Damiano kasama ang kaniyang pamilya at kaibigan, doon ay napag-isip isip nila na baka si Anneliese ay nasasapian ng masasamang nilalang dahil ito ay natatakot sa krus at ayaw rin uminom ng holy water.

Napagkasunduan ng kaniyang pamilya na siya ay magsasagawa ng pagkonsulta sa mga pari para sa exorcism na isasagawa sa kaniya subalit tumanggi ang mga pari at sinabing ipagpatuloy na lamang ang gamot na iniinom niya dahil ang exorcism daw ay kinakailangan ng pahintulot mula sa obispo.

Sa kaso ni Anneliese, siya ay napakaagresibo na umabot sa puntong sinasaktan niya ang kaniyang sarili, kumakain ng mga insekto at iniinom ang sariling ihi.

Ngunit may isang pari ang nakakita kay Anneliese at nakumbinsing hindi ito simpleng epilepsy lamang at naniniwala ito na si Anneliese ay totoong sinasapian.

Nang taon ding iyon, inaprubahan na ng obispo si Father Arnold upang i-exorcist si Anneliese base na rin sa Ritual Romanium of 16:14 pero kailang itong iskreto.

Nagsimula ang unang session noong September 24, siya ay nagsasalita ng kung ano-ano at ayaw na rin niyang kumain at uminom.

Tinigil na rin ng kaniyang mga magulang ang pagkonsulta sa doktor at umasa na lang sa ginagawa ng pari.

Umabot ng 67 session ang exorcism at dalawang beses sa isang linggo ito isinasagawa sa loob ng 10 buwan, mula 1975 hanggang 1976.

Noong July 1, 1976, si Anneliese ay namatay sa loob ng kanilang bahay at ayon sa autopsy, ang ikinamatay niya ay dahil sa malnutrisyon at dehydration.

Tumimbang siya ng 30 kg at dumanas ng pagkabali ng mga buto at hindi na raw ito kayang lumakad noon ng walang tulong ng iba bago siya pumanaw.

Kinasuhan ng estado ang mga magulang ni Anneliese at ang mga pari na nagexorcist sa kaniya ng Negligent Homicide at binigyan ng simbahan ng abogado ang mga magulang ni Anneliese upang ipangtanggol ang kaso nila.

Sa huli, ang naging hatol ng estado ay wala dapat makulong sa mga pari man o sa mga magulang bagkus pinagbabayad na lamang ang mga pari at ayon sa korte, dapat daw ay hindi nakasama sa kaso ang mga magulang ni Anneliese dahil sapat na ang pagkamatay ng kanilang anak upang magdusa.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon