5 TOP SECRETS OF VATICAN

462 179 0
                                    

Noong 1611 ay itinayo ni Pope Paul V ang "Vatican Secret Archives" na isang ultra-secure repository ng mga bagay na mahalaga para sa Simbahang Katolika.

Hindi lahat ay maaaring pumasok doon kaya konting tao lamang ang nakakakita ng laman nito.

Kaya naman kokonti lang din ang nakakaalam kung totoo o hindi ang mga kuwento na ating naririnig tungkol dito.

Mayroong mga bagay sa iniuugnay sa demonyo ang nakatago sa archives ng Vatican.

BLOODLINE

- Ang kuwento tungkol sa pagkakaroon ng asawa't mga anak ni Hesus ay paulit-ulit na lamang pero nadagdagan pa ang mga naintriga kung totoo ito nang maisapelikula ang "Da Vinci Code" ni Dan Brown.

Kung tutuusin ay walang nakakaalam sa buhay ni Hesus mula sa kanyang pagiging bata hanggang sa unang bahagi ng kanyang 30s o ilang taon siya bago ipinako sa krus.

May mga naniniwala na kinuha ng Vatican ang mga ebidensya sa sikretong ito at kanilang itinago upang maproteksyunan ang pagiging Diyos ni Hesus.

Kung makakukuha ng gamit ni Hesus at magagamit ang DNA nito ay maaari itong gamitin sa panahon ngayon para malaman kung sino-sino ang kanyang mga kamag-anak.

Kung tatangkaing hanapin ang mga kamag-anak ni Hesus sa huling 20 henerasyon ay nasa 600,000 hanggang 1 milyon ang biological match nito.

Kung ibabalik ito ng 120 generations ay mga 1,000 tao na lang kaya mas madaling makilala ang mga ito dahil kokonti lamang ang mga tao roon.

EXTRATERRESTRIAL

- May ebidensya umano upang mapatunayan na mayroong alien na bumibisita sa mundo at itinatago ito ng Simbahang Katolika.

Bukas umano ang Vatican sa usapin ng mga alien kay nagsasagawa ito ng conferences para sa astrobiology at ipinapagamit ang Vatican Observatory upang maghanap ng planeta na maaaring tirahan ng mga tao.

Ilang siglo na umanong alam ng Vatican ang tungkol sa mga alien at itinatago nila kung anuman ang nalaman na nila gaya ng mga labi ng alien at mga technical documents kaugnay sa mga armas ng mga ito.

Hindi naman bago ang mga kuwento na mayroong itinatago ang mga Vatican gaya ng "Third Secret of Fatima".

DEMONYO

- Alam ng pinaka-senior exorcist ng Vatican na si Father Gabriele Amorth kung demonyo ang kaharap niya o hindi.

Bago siya namatay noong 2016, nakapagsagawa siya ng libo-libong exorcism at madalas na nakakausap ang demonyo.

Sinabi niya kay William Friedkin ang direktor ng "The Exorcist," na si Satanas ay isang espiritu bagamat minsan ay lumalabas ito bilang isang nagngangalit na hayop.

Ang ginagamit ni Amorth sa pagpapalayas ng demonyo ay ang ritwal na ginawa ni Pope Paul V.

Noong 2010, naging laman ng pahayagan ang sinabi ni Amorth na ang demonyo ay nakatago sa Vatican. Sinabi niya na ang mga eskandalo at korupsyon na kinasangkutan ng simbahan ay kagagawan ng demonyo.

Noong 1972, sinabi ni Pope Paul VI na ang usok ng demonyo ay nakapasok sa templo ng Diyos.

KRUS

- Kung hindi ipinako si Hesus sa krus ay mawawala umano ang paniniwala dito na siya ay Diyos.

Kaya itinatago umano ng simbahan ang mga ebidensya na nagsasabi na hindi talaga siya ipinako at namatay sa Krus.

Sinabi ni Michael Baigent na hindi totoo ang lahat ng nakasulat sa Bibliya.

Hindi niya itinatanggi na nabuhay si Hesus sa mundo pero iba umano ang kuwento sa totoo.

Nakipagsundo umano si Hesus kay Pontio Pilato-ang taong humatol sa kanya.

Nasa interes umano ng Roma na panatilihin siyang buhay dahil sinabi niya sa kanyang mga tagasunod na magbayad ng buwis.

At ang solusyon na kanilang naisip ay pekein ang pagkamatay nito.

Ginamitan umano ng hashish, opium at belladonna si Hesus para "pansamantala" itong mamatay. Wala namang ebidensya rito si Baigent pero mayroon umanong nakatago sa Vatican.

Mayroon umanong mga nakuhang dokumento ang French priest na si Berenger Sauniere sa Rennes-le-Chateau.

Naglaho umano ang mga dokumento at si Sauniere ay biglang yumaman.

Posible umano na binili ng Vatican ang mga dokumento.

Naintriga rin ang Station XIV ng Station of the Cross, ang tagpo kung saan inilalagay umano ang katawan ni Hesus sa loob ng libingan.

Makikita rin dito na mayroong buwan sa langit na indikasyon na gabi na at nagsimula na ang Passover.

Dahil ipinagbabawal sa mga Hudyo na tumawag ng patay kapag Passover, posibleng umano na hindi inililibing si Hesus noon kundi inilalabas siya sa libingan at hindi siya patay.

HITLER

- Si Pope Pius XII ay minsang binabansagan ding "Hitler's Pope" dahil sa pagsuporta umano sa Nazi.

Bagamat hindi totoo na kinastigo niya ang Nazi, sinabi ng Vatican na laban siya sa ginagawa ng mga ito.

Namimigay umano si Pius XII ng pamphlet na kumokondena sa ginagawa ng Nazi at nakapagligtas siya ng 800,000 Hudyo na papatayin dapat ng mga bata ni Hitler.

Pero may kumukuwestyon dahil wala umanong naglalabas ng mga dokumento ng mga ginawa ng simbahan noong Holocust-era at may mga nagsasabi na mayroong mga ebidensya na tinutulungan ni Pius si Hitler.

Ang academician na si John Cornwell, isang Katoliko, ay nais iabsuwelto si Pius XII pero nang makita niya ang mga ebidensya ay nagbago umano ang kanyang pananaw.

Hindi lang umano galit si Pius XII sa mga Hudyo, tumanggi rin umano siyang tulungan ang mga ito.

-ctto ( from Facebook page Deep Web Enigma )

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon