HUMBER LADY

180 72 0
                                    

Ang Humber Lady ay mas kilala sa tawag na 'The Black Lady' ay isang multo na lumiligalig sa kagubatan sa village na ito na malapit sa lugar sa England.

Batay sa mga nakakakilala sa Humber Lady, ang itsura nito ay maganda, nasa limang talampakan at anim na pulgada ang sukat.

Nakasuot ng itim na bestida at may itim na belo.

Kung pagmamasdan ang kaniyang nakalugay na buhok napagtatantong siya ay nagluluksa.

Maputla siya, nangingilid ang luha sa naghihikbing mukha.

Ayon sa alamat, hindi soya namiminsala kundi nagpaparamdam lamang na dapat siyang kaawaan sa pamamagitan ng hindi niya kanais-nais na hitsura tuwing magpapakita.

Ang higit na malalim na kwento tungkol sa Humber Lady ay sinasabing naganap noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Isang babae ang iniwan mg kaniyang asawa para sumama sa giyera bilang sundalo.

May anak silang munti na iniwan din sa babae.

Doon sila nakatira sa gubat.

Lumipas ang mga araw, naghihintay ang babae sa pagbabalik ng lalaki ngunit hindi na ito nagbabalik pa hanggang sa wala ng balita mula sa kaniya.

Araw-araw ay naghihintay pa rin ang babae bitbit ang anak nila.

Minsan ay umatake ang kalaban.

Pagtawid nila sa ilog, nasalubong nila ang mag-ina, bago nakatakas ang babae nahuli siya ng kaaway at siya ay ginahasa.

Saka kinuha ng mga ito ang kaniyang anak.

Umalis sila ng humahalakhak pa habang punapalahaw ng iyak ang kaniyang sanggol.

Sa labis na kahihitnan sa sinapit na kahalayan at hindi niya na pa nakita ang kaniyang asawa, naglagi na lang ang babae sa kakahuyan.

Hinanap-hanap niyang mula noon ang kaniyang anak na babasakaling iniwan ng mga masasamang loob.

Doon na inabot ng kaniyang kamatayan ang pobreng babae.

Mula noon ay naririnig ng mga tagaroon ang tinaguriang 'Humber Lady' nananaghoy sa dilim ng gabi.

May mga kwento na kapag araw ng pasko at nagtutungo ang mga taga roon sa kakahuyan, sumigaw ng tatlong ulit ang babaeng itim 'ako ang nagnakaw ng anak mo!'

Biglang lumitaw ang multo ng Humber Lady sa pagnanais na makita pa ang kaniyang anak.

Kaya itinuturing na ang Humber Lady na isang kaluluwang maligalig at hindi talaga mapakali dahil sa kasindak-sindak na sinapit nilang mag-anak.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon