HUMAN FARM

183 73 0
                                    

Aakalain ba natin na magtatanggap ang mga siyentipiko na magkaroon ng human farm?

Sa maraming pag-aaral sa iba'-ibang uri ng gamot at sa paraan ng operasyon, mga daga ang madalas ma ginagamit sa eksperimento.

Kapag nagtatagumpay sila sa mga hayop na ito, may maliit na posibilidad pa ring sumablay sa tao ang kanilang mga bagong tuklas.

Syempre, iba pa rin ang katawan ng daga kumpara sa katawan ng tao.

Kaya naiisip ng mga dalubhasa ngayon, mag-eksperimento na talaga sa mismong tao.

Ang anumang tagumpay na makakamtan ay tiyak na magreresulta ng tagumpay sa mga pasyenteng naghahanap ng lunas.

Ngunit ang mga sinasabing ilalagak sa human farm ay hindi naman talaga mga totoong tao.

Sila ay mga microchip human machines na gagamitin sa mga eksperimento upang mahinto na raw ang kawawang pag-eeksperimento sa 19M na hayop sa mga laboratoryo.

Kung papayagan ang kanilang naiisip, ang lahat ng animal testing laboratory sa buong mundo ay isasara na para mailigtas ang mga susunod panghayop na walang mga malay pero idinaraan sa mga medical experiment.

Ang binabalak nilang human farms ay nangangailangan ng daan-daang makinarya at inaasahang kaya na itong mapasimulan makalipas ang tatlong taon lamang kung bibigyan ng pahintulot.

Malaking tulong din ang ganitong balakid, sabi ng mga scientist mula sa Harvard University, sapagkat kung ang itsura nga naman ng tao ang idaraan sa pagsubok, higit na makikita ang tunay na kondisyon ng magiging pasyente.

Sa ngayon ay ipinagbabawal na kasi sa malaking bahagi ng Europa at North America ang animal testing sa mga laboratoryo.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon