CROP CIRCLES: UFO LANDINGS

252 115 2
                                    

Marami na ang misteryosong tatak na hindi maipaliwanag kung paanong nagagawa sa mga palayan sa iba't-ibang panig ng mundo.

Ngunit ang huling paglitaw ng misteryosong tinatawag na Crop Circle sa isang liblib na probinsya sa Russia ay nagbigay pa ng bagong pagkatalo.

Totoo kaya na may mga lumalapag talagang UFO sa ating daigdig? Kung kaya't nagkakaroon ng bakas ng katulad sa Crop Circles.

Ang huling bakas na naiwan sa palayan, sa South Russian Village ay may sukat na 14 meters pabilog. Singlaki ito ng pinagsama-samang apat na bus.

Pinagkaguluhan ang nabanggit na bakas na sinasabing UFO at ang lugar sa Krasnodar, Russia na ito ay may taniman ng sunflower.

Perpektong-perpekto itong nga bilog. Sukat na sukat ang guhit na parang trianggulong porma at ito raw ay ang itsura na pinakapaa ng isang lumapag na UFO.

Sabi ng ilang residente sa panayam ng Channel 9, TV network sa Russia, nagulat sila sa isang napakalakas na ingay mula sa sakahan. Nang silipin nila, umaangat ang isang sasakyang panghimpapawid at nagbubuga ito ng liwanang na kulay asul.

Paglaho nito sa taas, doon nila napansin ang naiwang bakas. Kung tutuusin, hindi nga ito madaling gawin sapagkat malinis ang bakas na parang nasa himpapawid ang may kagagawan at hindi tumapak sa mga taniman.

Ang rehiyon sa Russia ay dati na palang nagkaroon ng Crop Cirles kaya hindi na rin nagtataka ang mga tao roon kung may bago silang nakitang ganito ngunit para sa iba ito ay isang phenomenon na kamangha-manga at hindi likha ng karaniwang tao lamang.

May mga hindi naniniwala sa kababalaghan at sa alien beings kagaya ng alien hunter na si Sir Jay Furov. Sabi niya, posibleng ito ay likha ng insekto at mga bubuli na nakatira sa mga pananim ngunit mahirap paniwalaan ang kaniyang teorya na daw hindi naman kayang lumikha ng mga insekto ng ganitong perpektong bakas na sukat na sukat ang kabuuan.

Pero sinasabi ni Furlov na kung hindi insekto ay pwede ring tao talaga ang gumawa nito ngunit hindi niya naman ipinaliwanag kung sa paanong paraan nalikha ang perpektong bakas.

Kaya patuloy ang paniniwala ng mga taga-village na sila nga ay patuloy na dinadalaw ng aliens sakay ng UFO na lumalapag sakanilang lugar.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon