THE LOST CITY OF BIRINGAN

227 73 0
                                    

Ang ibig sabihin ng Biringan ay lugar kung saan hinahanap ang mga naglalaho.

Para sa kanila, ang mundo ay maraming mga baitang na pailalim.

Hindi ito nakikita ng karaniwang tao at isa nga ang Biringan sa sinasabing pook na pinagdadalhan sa mga taong bigla na lang naglalaho.

Sabi nila, ang Biringan ay nasa pagitan ng Kalbayog City at Catarman at may mga nagsasabing narating na nila ang engkantadong lugar na ito.

Kung mapapasok mo nga raw ito, masisilaw ka sa labis na liwanag.

Dito daw naglalagi ang mga kaluluwang gala, mga diwata at engkanto at pati ang mga aswang.

Kaya kung minsan ay may biglang lumilitaw na nilalang at naglalaho rin dahil dito sila nagtatago sa mahiwagang lugar ng Biringan.

Sinasabi pa na, merong satellite survey na nagpapatunay sa mapping photography na meron daw na isang nakakasilaw na bahagi sa Samar na hinihinalang iyon ang Biringan na pinagtataguan ng mga mahiwagang nilalang.

May mga pagkakataong ang mga paupahang bus at jeep kapag sila ay napapadaan sa kugar nga na ito ay naglalaho ang mga pasaherong sakay.

Nasusumpungan din ng kundoktor at driver na naliligaw sila sa gubat na hindi pa nila nakikita kailanman.

Pero bindi naniniwala ang mga paranormal investigators dahil ito daw ay kathang isip lamang ng mg taong posibleng nakaranas ng kababalaghan na hindi nila kayang ipaliwanag kaya nananatiling kinatatakutan ang Biringan.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon