KAYAKO

400 184 1
                                    

Si Kayako ay isang alamat mula sa Japan tungkol sa babaeng pinatay ng kaniyang asawa at nagbalik bilang isang multo.

Ang kwentong ito ay sumulpot din sa pelikulang The Grudge.

Nang bata pa si Kayako ay kinamumuhian na siya ng kaniyang mga magulang.

Palagi siyang mag-isa at parating depressed.

Wala siyang kahit isang kaibigan man lang at iniisip ng ibang bata sa kanilang eskwelahan na isa siyang baliw kaya lagi siyang pinagtatawanan ng mga ito.

Hanggang sa siya ay lumaki na at nagpakasal sa isang lalaki-si Taeko Saeki.

Doon naramdaman niya kay Taeko na siya lang ang tanging makakaintindi sa kaniya.

Namuhay sila ng masaya at kalaunan ay nagkaroon ng anak na si Toshio.

Isang araw, naglilibot ang si Taeko sa kanilang kwarto at nakita niya ang diary ni Kayako.

Nang mabasa niya ito, nalaman niya na niloloko lang pala siya ni Kayako.

Kinagabihan na ng dumating si Kayako sa kanilang bahay habang di Taeko ay nakaabang sa hagdanan at may hawak hawak na kutsilyo.

Inatake niya ng saksak si Kayako ng paulit ulit at ginawa niya pa ito mismo sa harapan ng kanilang anak.

Sinubukang tumakas ni Kayako pero hinabol lang siya ni Taeko.

Si Taeko ay tuluyan ng nawalan ng bait.

Dahil nababalot ng dugo ang katawan ni Kayako, siya ay nadulas at nahulog sa hagdanan, nabalian pa ito ng paa.

Sa kagustuhang makatakas, gumapang siya paibaba at ng malapit na siya sa pintuan saka siya hinila ni Taeko pabalik.

Pinulupot ni Taeko ang dalawang kamay sa leeg ni Kayako at inikot ito kaya tuluyan ng nabali.

Buhay pa si Kayako pero siya ay naparalisa na.

Ang tanging nagagawa niya ay ang mahihinang ungol dahil sa sakit na nararamdaman.

Muli, hinila siya ni Taeko paitaas, nilagay siya sa itim na plastic bag at iniwan sa attic hanggang sa siya ay mamatay.

Pagkatapos, kinuha ni Taeko ang anak niya at nilunod ito sa bathtub saka niya nilagay ang katawan ng bata sa malaking cabinet.

Namatay si Kayako na puno ng pighati at galit kaya muli siyang bumalik bilang isang multo.

Nagpakita siya kay Taeko at sinakal niya ito sa pamamagitan ng kaniyang buhok.

Natagpuan na lang ang kaniyang katawan sa daan at inisip ng mga pulis na siya ay nagpakamatay.

Simula noon, ang pagmumulto ni Kayako ay dumadalas kung saan siya namatay.

Ang sabi nila, pag pumunta ka sa bahay nila, maririnig mo ang mahinang ungol ni Kayako at makikita mo siyang gumagapang pababa ng hagdan na puno ng dugo sa katawan.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon