4 TERRIFYING FORESTS

170 49 0
                                    

1. Ang lugar sa Virginia sa USA ay tinatawag na Old House Woods ay pinagdaanan ng mga sundalong nakipag-gyera noong Revolutionary War at American Civil War.

Hanggang sa ngayon may nakikita pa rin ng mga tagaroon ang mga sundalo at mga alipin na tumatakbo papalabas ng gubat na parang tumatakas pa rin sa digmaan.

Kaya ang bilin ng mga matatanda sa mga kabataang nakatira malapit sa lugat, iwasan nila ang pagpasyal sa naturang gubat dahil mapanganib kung masasalubong nila ang mga kaluluwang gala.

May mga nagsabing nang mapasok nila ang gubat ay nakakita sila ng mga nakalutang na babae at naglalahong bigla.

Nakakita rin sila ng mga sundalong nakauniporme na panggyera sa mga lugar na nararamdaman nilang bumabagsak ang temperatura at lumalamig ang kapaligiran.

Nakakita rin sila ng mga sundalong nakauniporme na panggyera sa mga lugar na nararamdaman nilang bumabagsak ang temperatura at lumalamig ang kapaligiran

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

2. Ang kagubatan ng Balleyboley sa Northern Island ay pinaniniwalaang may gumagalang kaluluwa ng sinaunang taon na Ancient Drued.

Ang Drued ay kalahi ng mga Seltic People mula pa noong 1400 hanggang 1700, kinasisindakan na ang lugar na ito sapagkat naglalaho ang napapadpad sa gubat at higit itong kinatatakutan sa ngayon.

Ang mga taong napunta na roon ay nakaranas ng may sumasalubong na itim na usok o kaya ay nakaririnig ng mga dumaraing na tinig.

Sa isang pagkakataon, nasindak ang dalawang lalaking napadpad doon sapagkat nakarinig sila ng tinig ng isang babae na tula pinaparusahan at tumatangis sa labis na sakit.

Nang hinanap nila sa pag-aakalang mayroon ngang babaeng nangangailangan ng saklolo, nasumpungan nila ang usang malaking puno at mula rito ay may pumapatak na dugo.

Ang makaatras na sila, napansin nila na may imahe na nakalutang at natatakpan ng isang kulay kahel na tela kaya naniniwala ang mga Natives na ang gubat ay hindi karaniwang gubat kundi isang portal na daraanan papasok sa ibang mundo, ang mundo ng namayapa ng mga Seltic.

Ang makaatras na sila, napansin nila na may imahe na nakalutang at natatakpan ng isang kulay kahel na tela kaya naniniwala ang mga Natives na ang gubat ay hindi karaniwang gubat kundi isang portal na daraanan papasok sa ibang mundo, ang mundo ng n...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

3. Ang Devil's Tramping Ground ay kinatatakutan ng mga aso.

Sabi sa alamat, ang paulit-ulit na panggugulo ay kagagawan daw ng isang sinasabing demonyo at ginagamit ang kagubatan upang maghasik ng kaguluhan at sindak sa sangkatauhan.

Nagtataka ang mga siyentipiko kung bakit walang nabubuhay na halaman at hayop sa lugar na ito.

Kumuha pa sila ng sample ng lupa ngunit hindi nila nahanapan ng sagot kung bakit hindi kayang bumuhay ng halaman at hayop sa nabanggit na lugar.

May mga taong nagtangkang manatiling magdamag sa lugar pero walang tumagal hanggang umaga at ang mga naabutan ng umaga ay nadadatnang nabaliw na.

Pinaniniwalaan na kagagawan ng demonyo ang kabaliwan na sinasapit ng mga taong sumusubok sa kasindak-sindak na misteryo ng Devil's Tramping Ground.

Pinaniniwalaan na kagagawan ng demonyo ang kabaliwan na sinasapit ng mga taong sumusubok sa kasindak-sindak na misteryo ng Devil's Tramping Ground

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


4. Ang Aokigahara Forest sa Japan ay kilalang Suicide Forest dahil sa rami ng mga nagpapakamatay sa lugar na ito.

Mula pa noong 1950's, nasa 500 katao na ang pumasok sa gubat at nagtangkang magpatiwakal.

Kaya ang mga turistang nagpupunta roon ay nakakita ng mga nabubulok na bangkay ng mga tao kaya itinuring na ang gubat ay purgatoryo ng mga kaluluwang nagdurusa dahil hindi nakaalpas at naging bilangguan na ang gubat ng mga taong doon nagpatiwakal.

May mga nagsasabi na ang pagpapatiwakal ng mga nagagawi roon ay bunga na rin ng pag-uudyok ng mga espiritung nauna ng namatay sa lugar at sila ay patuloy pa ring naliligalig.

May mga nagsasabi na ang pagpapatiwakal ng mga nagagawi roon ay bunga na rin ng pag-uudyok ng mga espiritung nauna ng namatay sa lugar at sila ay patuloy pa ring naliligalig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon