HUMAN FLESH BURGER

212 82 1
                                    

May ibinebentang human flesh burger sa London at marami naman ang nais tumikim nito gaano man ito nakakadiri.

Hindi naman kasi tunay na laman ng tao ang karne ng burger kundi iba't-ibang sahog na sinadyang idinisenyo ang lasa sa laman ng tao para gamiting bahagi ng programang motion ng isang television series na The Walking Dead na ang tema ay mga zombies.

Inupahan ng chef na si James Tomlinson at ang food creative designer na si Miss Cakehead para makalikha sila ng burger na lasang karne ng tao ang laman.

Ibinatay nila ang disenyo sa explorer na si William na ang lasa ng karne ng tao ay parang matabang na laman ng baka pero hindi naman murang karne kundi matandang laman na.

Si William ay napunta sa liblib na tribo sa Africa at naging kaibigan niya ang mga Native na nagluluto ng karne ng tao kaya napapakain siya nito.

Ang Human Flesh Burger na gawa ngayon sa London ay may sangkap na karne ng baboy, atay ng manok, karne ng bakang bisiro at may halong bone marrow.

Ipinakain ito sa publiko noong September 30, 2014 sa London.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon