MYSTERIOUS HOLES IN SIBERIA 2

173 59 0
                                    

Mahabang panahon na ang kwento tungkol sa mga barkong naglalaho kapag napapadaan sa North Atlantic Ocean lalo na sa tapat ng Bermuda Triangle na hindi naman maipaliwanag kung bakit.

Ngayon ay pinag-aaralan ng mga siyentipiko kung may kinalaman ba ang natuklasang higanteng mga butas na lumilitaw sa Siberia.

May naniniwala kasi na ang mga butas na ito ay posibleng likha ng aliens o kaya ng meteorites na lumalapag mula sa kalawakan.

Pero ang sabi ng ilang eksperto, baka ang mga higanteng butas ay likha ng pagsabog ng mga nakaimbak na gas sa ilalim ng North Atlantic Ocean.

Kung ganito raw ang mangyayari, baka ito rin ang dahilan kaya naglalaho ang mga barko at eroplano na napapatapat aa Bermuda Triangle.

Nasasabugan sila ng ng gas at nahihigop.

Sabi ng Russian Scientist na si Igor, ang methane ice na nagiging gas ay unti-unting nabubulol sa ilalim at kapag umiinit na ang ilalim ny dagat, nagkakaroon ng pagsabog katulad ng nuclear reaction.

Ito raw ang humihigop sa mya barko o eroplano.

Iniuugnay nila ang mga higanteng butas na lumitaw sa Yamal at Taimhir Peninsula sa Siberia sa mga gas hydiorites na sumisingaw.

Kung tutuntunin ang pinagmumulan, masusumpungan na ito ay galing sa ilalim ng dagat sa bahagi ng North Atlantis Ocen na may ilandaang metro ang lalim.

Noong September 1950, may barkong naglaho sa Bermuda Triangle at isinisisi ito ng ilan sa UFO phenomenon.

Mayroon pa raw kasing mundong naiwan sa Bermuda Triangle, mundo na bahagi ng kontinente na kung tawagin ay ang maalamat na Atlantis.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon