10 ARTIFICIAL HUMAN ORGANS

203 62 0
                                    

Marami ang uri ng sakit na nakamamatay ngunit hindi nahahanapan ng lunas. Kaya nagkaroon ng maraming hamon sa mga siyentipiko kung paano masasagot ang mga tanong na dulot ng mga kakaibang sakit. Dito lumitaw ang ibat't-ibang uri ng eksperimento gamit ang teknolohiya para malunasan ang mga karamdamang nakamamatay.

1. Artificial Wombs. Marami ang hindi magkaanak dahil hindi kumpleto ang mga dapat na bahagi ng kanilang ovary. Kaya ginagawa ng mga siyentipiko ngayon ang artificial womb kung saan maaring ilagay ang pinaghalong similya ng lalaki at babae upang mabuo ang isang bata. Ang artificial womb ay hindi sa loob ng katawan ng babae gagawin kundi sa labotaryo. Sabi ng isang doktor sa University for Reproductive Medicine Infertility, malapit na nilang mabuo ang eksperimento na sasagot sa problema ng mag-asawang hindi magkaanak. Pati na rin ang madalas na nakukunan dahil maselan ang pagbubuntis ay masosolusyunan sa eksperimentong ito na Artificial Womb ngunit maaring ito ay tutulan ng maraming moralista sapagkat hindi daw ito nalalayo sa human cloning.

2. Artificial Gut. Problema ng maraming tao ang pagiging acidic dahil sa maraming pagkain. Ito ay naging sanhi ng pagkakaroon pa ng karagdagang sakit sa katawan. Kaya gumawa ang mga siyentipiko sa United Kingdom noong taong 2011 ng artificial na sikmura upang mapabilis ang paglusaw ng pagkain. Layunin nito na mawala ang namumuong asido at enzymes na nagiging sanhi ng pagpapabagal ng metabolismo ng aktibidad ng tao. Ang bagong gawang artificial na sikmura ay ginagamitan ng materyal na tela at metals. Totoong pagkain ang isinusubo rito. Namangha ang mga siyentipiko na noong subuan ng sobra-sobrang pagkain ang artificial na sikmura, nakaramdam rin ito ng labis na pagkabusog at isinuka ang pagkain. Bagay na nagpapatibay sa kanilang eksperimento na ito ay epektibo.

3. Synthetic Heart. Mula noon hanggang ngayon ang total artificial heart o TAH ay napapakinabangan ng mga may sakit sa puso sa mga heart transplants ligtas sa mga pasyente.

4. Artficial Blood. Ang dugo ng tao ay hindi maituturing na human organ pero ito ay bumubuka mula sa human organ na kung tawagin ay bone marrow. Ang dugo ng tao habang kumukislot mula sa ating kalusugan ngunit may mga dugo na hindi perpekto ang serbisyo sa katawan kaya naimbento ang artificial blood para matugunan ang pagkukulang ng organic blood.

5. Artificial Blood Vessels. Ang dinadaluyan ng ating dugo ay tinatawag namang mga arteries at veins. Nakatuklas ang mga dalubhasa sa Hokkaido University ng artificial blood vessels na gawa sa collagen mula sa ulo ng isdang salmon. Ginamit nila ang isdang ito dahil walang anumang history na may mga virus na nasasalin sa tao mula sa salmon. Una nilang inieksperimento ngayon ang mga artificial na blood vessels sa aso at kapag nagtagumpay sila, isusunod na ang tao. Layunin nito na mapalitan ang mga ugat na mahihina at kadalasan ay pumupurok sa katandaan.

6. Artificial Bones. Ang katawan ng tao kapag napinsala, pinapalitan ang mga malalambot na buto na hinuhugot din sa sariling katawan ng tao. Halimbawa, nabasag ang iyong noo, pwedeng palitan ng malambot ma bahagi ng pelvic bone. Pero hindi masyadong maganda dahil nasasaktan ang tao sa ganito. Para hindi na masaktan sa iba't-ibang bahagi ng kaniyang katawan na nadiskubre ng mga siyentipiko ang isang pamalit na artificial bone sa mga napipinsalang bahagi. Gawa ito sa cytric acid na hinaluan ng octanediol. Pwede itong ihubog sa hugis ng buto na kailangang palitan sa tao na napipinsala.

7. Artificial Skin. Noong 1996, mayroong artificial skin na nalikha sa Massachusetts Institute of Technology. Layunin naman na magkaroon ng magandang kutis ang mga taong biktima ng sunog. Gawa ito mula sa mga tendon ng mga mammals na hinahaluan ng glycosaminoglycan molecules mula sa mga malalambot na buto ng hayop. Kaya noong 2001, may isanh eksperimentong ginamitan nito at nang mahiwa ang kutis ay dumugo rin na parang organic na kutis ng tao. Nang gamutin ay kusa ring naghilom na parang ordinaryong kutis ng tao bagay na nagpapatunay na ang eksperimento ay tagumpay.

8. Artificial Retina. Ang mata ng tao habang tumatanda ay lumalabo ang paningin. At ang pinanggagalingan na ating tinatawag na vision ay likutan ng eyeballs na kung tawagin ay retina. Dito nagmumula ang ating paningin at ito rin ang nais na mabigyan ng lunas ng mga siyentipiko , ang mapalitan ang nalumang retina upang mabagi ang estado ng ating humihinang paningin. Kaya hindi na magiging problema sa mga tumatanda ang panlalabo ng mata.

9. Artificial Limbs. Kung ang nga butiki ay kusang tinutubuan ng buntot kapag napuputol, naisip rin ng mga siyentipiko na kaya rin nitong mangyari sa tao. Kaya nag-iimbento sila ngayon ng pamamaraan para ang naputulan ng paa o kamay ay muling tubuan nito na hindi kailangang maghanap ng iba na ikakabit. Ang full limb generation ay bagong pag-aaral at may isang eksperimento tungkol sa daliring putol na napatubo nila. Masusi pa nilang pinag-aaralan kung anong mangyayari sa daliring tumubo at kung positibo na at ito'y maigagalaw ng normal, idedeklara nila na tagumpay ang eksperimento.

10. Artificial Body Parts from stem cell. Natuklasan ng mga British Scientist ang magpatubo ng heart bug na gawa sa stem cells. Hindi na problema ng mga tao na kulang ang bahagi ng puso kung tuloy tuloy ang tagumpay ng artificial heart bug na ito. Kung mayroong heart transplant, mababawasan na ito sa pamamagitan ng pagpapatubo na lang ng mga bahagi ng puso para maiwasan ang sakit na dinaranas ng isang tao sa ganitong kondisyon ngunit maingat ang mga siyentipiko at ayaw nilang basta ito isagawa aa tao hangga't hindi nagiging perpekto talaga ang kanilang eksperimento.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon