DARK RITUALS OF THE DEAD

428 169 0
                                    

1. Ang Hindu Cannibalism. May ibang kultura sa Melanesian sa Papua New Guinea at Huari sa Brazil na pinakamabuting pagdakila sa mga patay nilang kamag-anak ay ang kainin ang katawan nito. Ang tawag sa practice na ito ay Hindu Cannibalism o Feast of the Dead na paraan nila para lubusang magkaroon ng permanenteng ugnayan ang namatay sa maiiwang mga buhay na kamag-anakan. Ayon sa ilang anthropologists, ang namatay kasi ay umaasa talagang kakainin ng maiiwan nilang pamilya ang kanilang katawan oras na mamatay. Ito ay bilang pagkilala sa kanila ng kapamilya at tribo noong nabubuhay pa. Ngunit ngayon ay hindi na ginagawa ang ritwal na ito.

2. Tibetan Buddhist Celestio Ritual. Sa Tibattan Buddhist may tinatawag silang Sky Burials o ang pagchopchop sa katawan ng patay at ipinakakain sa mga hayop lalo na sa mga ibon bilang ritwal. May pagkakataong iniiwan lang ang buong katawan sa mga buwitre para lapain. Nakakadiri at walang galang kung iisipin pero sa pananaw ng Buddhist, hindi dapat pinipreserve ang katawan ng patay dahil isa lamang itong buhaghag na materyal sa mundo. Malaking bagay kung ang katawan ng namatay ay ikabubuhay ng mga hayop dahil mataas na uri ng kawanggawa ang pananaw nila rito at sa loob ng libong taon na, 80% pa rin ng mga Buddhist ang gumagawa ng ritwal na ito hanggang sa ngayon.

 Malaking bagay kung ang katawan ng namatay ay ikabubuhay ng mga hayop dahil mataas na uri ng kawanggawa ang pananaw nila rito at sa loob ng libong taon na, 80% pa rin ng mga Buddhist ang gumagawa ng ritwal na ito hanggang sa ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

3. Suspended Burials. Patay na ibinibitin pa ang mga kabaong ng mga tao naman noon sa Kongshan, China na bahagi ng Bo People sa Min Dynasty. Nakabitin sa mga bato sa gilid ng bundok. Ang mahigit sa tatlong daang ataul na Bo People na nakikita pa rin ngayon dahil nalipon ng Bo People sa massacre na ginawa sa kanila. Misteryo pa rin kung bakit ibinibitin ang mga kabaong nila sa tinaguriang Sansad Is Cliff na uri ng ritwal.

 Misteryo pa rin kung bakit ibinibitin ang mga kabaong nila sa tinaguriang Sansad Is Cliff na uri ng ritwal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

4. Sati. Itong Sati ay ritwal sa India kung saan kailangang sunugin din ng byuda ang sarili niya sa oras na ilibing na ang kaniyang namatay na asawa. Ang dahilan nila rito ay dalawa; una, dapat hindi pag-intiresan ng babae ang buhay ng lalaki kung mayaman ito, napipigil ang pagkagahaman ng babae at ito rin ay mamamatay. Ikalawa, pag nagkasabay na papasok sa kabilang buhay ang kaluluwa ng mag-asawa ay hindi dapat matukso ng ibang anghel ang lalaki kung mag-isa itong sasalubungin sa kabilang buhay. Ipinagbawal na ito sa India dahil marami ang babaeng ayaw mamatay sa oras na ililibing na ang kanilang asawa pero itinutulak siya sa apoy ng mga tao para huwag masira ang tradisyon. Ang Sati ay ginagawa rin noon ng Egyptians, Goths at Greeks.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon