REINCARNATION CASE

200 74 1
                                    

Isang uri ng reincarnation ang pinag-uusapan. Ang limang taong gulang na lalaki, mula sa USA ay may malinaw na alaala tungkol aa kaniyang tunay na pagkatao.

Sa edad pa lamang na dalawang taong gulang, sinasabi na ni Luke Ruehlman sa kaniyang magulang na siya ay dati ng namatay dahil sa isang sunog.

Isa raw siyang tatlongpung taong gulang na black woman na taga l-Chicago at nagngangalang Pam.

Siya raw ay tumalon mula sa isang nasusunog na gusali.

Sabi pa ni Luke, naalala niya ang mismong araw na namatay siya at ang aktwal na reicarnation process kung saan bigla siyang inilaglag pababa sa planetang Earth bilang isang kasisilang na sanggol.

Hindi nag-atubili ang mga magulang ni Luke na imbestigahan ang nakaraan ng kanilang anak.

Napag-alaman nila na may isang Pamela Robinson nga na nakatira sa Chicago.

Namatay si Pamela noong masunog ang Paxton Hotel noong 1993.

Tugmang-tugma ang impormasyon na paglalarawan ng anak na si Luke.

Ngunit hindi sinabi ng bata kung papaano nakarating sa langit at sino ang nagtulak sa kaniya na muling bumaba pabagsal sa isang kasisilang na sanggol.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon